Briana Angel's P.O.V.
"Herla!" Magandang salubong ko kay Herla pagpasok ko sa shop niya. Pumunta na kami ni Baby Boy dito para kunin na yung mga pinagawa naming mga damit. Three days na lang kasi at prom night na namin. Lumapit naman si Herla kay Dane at niyakap saglit.
"We're here for the gown and the tuxedo." Pagbibigay impormasyon ni Dane sa kanya.
"Oh! Teka kukuhanin ko lang sa loob." Pamamaalam ni Herla sabay pasok sa kabilang kwarto ng shop. Habang nag-iintay napatingin na naman ako sa bagong gawa na mga damit ni Herla. Ngayon naman puro Filipiniana ang nakikita ko. Nakita ko rin dito ang Filipiniana na sinuot ng isang Beauty Queen na pinambato ng Pilipinas sa Miss Universe. Nakalimutan ko na yung pangalan eh. Pagbalik ni Herla dala na niya yung mga pinatahi namin ni Dane.
Binigay niya sa akin yung gown ko at binigay naman niya yung tuxedo kay Baby Boy. Tinangal ko ang nakabalot na plastic dito at dumiretso kaagad sa dressing room nila. Excited na ako makita ang mukha ko kapag suot ko ito. Ang ganda kasi ng kulay at ng design. Talagang sakto at tama ang ginawa ni Herla. Sinunod niya talaga yung pinag-usapan naming dalawa. Tinangal ko muna yung suot kong damit ngayon atsaka tuluyang sinuot yung gown. Kinikilig na ako sa sarili ko! Pagtingin ko sa salamin nalula ako sa kagandahan ng gown. Bagay na bagay siya talaga sa akin.
Kulang na lang matomboy ako sa sarili ko. Bakit hindi ko naisip 'yun? Yung mahalin ang sarili? Well, parang ang weird.
Lumabas na ako ng dressing room at pumunta sa harapan nila Dane at Herla. Tinanong ko sa kanila kung maganda pang tingnan at kung bagay pa sa akin. Syempre ayaw kong ako lang yung may gusto sa mukha ko habang suot 'to. Kailangan ko rin yung opinyon nila. I need to know if it has an impact and if it suits me. May tiwala naman ako sa dalawang 'to eh. I know sasabihin nila ang totoo dahil kung hindi baka masapak ko sila.
Tiningnan ko si Baby Boy at nakatulala lang siya sa akin. Pumitik ako sa harapan ng mukha niya at doon siya bumalik sa sarili niyang isip. Oh my gosh! He was in awe! I knew it! I'm just so beautiful! Charot!
"You look so great. I could marry you right now!" Puri niya sa akin. Bigla namang naging kamatis ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kulang na lang maging judge siya ng buhay ko kasi lahat ng sinasabi niya sa akin puro positive.
Ngayon naman tumingin ako kay Herla at sobra ang ngiti niya habang nakaharap sa gown na gawa niya. Tila para siyang nanay na pinagmamasdan ang gawa niya. Ang ginawa niyang gown ay ang anak niya. Pinalakpakan niya ako. Si Dane naman ang pumasok sa dressing room at paglabas niya ako naman ang napatulala sa kagwapuhan niya.
"I do!" Wala sa sarili kong saad sa kanya. Napatawa naman siya sa akin at lumapit sabay halik sa labi ko. "Soon." Sagot niya naman.
Pumalakpak ulit si Herla na parang pangalawang anak niya yung suot na tuxedo ni Dane. Kaparehas kaming natuwa ng maglakad-lakad si Baby Boy habang suot ang tuxedo niya. Nagandahan siya sa kanyang suot. Nilabas ko yung cellphone ko at ibinigay ko ito kay Herla.
"Dane, picture tayo!" Tawag ko sa kanya. Inakbayan niya ako atsaka ngumiti para sa unang shot. nag-wacky naman kami sa pangalawa, labas dila sa pangatlo, umakto kaming parang wedding couple sa third shot at kissing shot naman ang last pic namin. Ibinalik na ni Herla sa akin yung cellphone ko atsaka tiningnan ang mga kalokohan namin. Napatawa kami pareho atsaka bumalik sa dressing room para hubarin ang mga suot namin. Itatabi muna namin ito.
Nang makapagpalit na kami kaparehas kaming lumapit kay Herla Loo atsaka siya niyakap ng napakahigpit at nagpasalamat. Niyakap ko ulit siya ng napakahigpit at sinabing "Thank you sa lahat, Herla! Dapat ikaw rin gagawa ng wedding gown ko in the future, okay?"
"Aba, surelaloo dahil ako si Herla Loo and I will stick to you hanggang duloo." Pak na pak na sagot niya sa akin. Natawa naman ako sa kanya at niyakap ulit siya ng huling beses.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...