Chapter 12: Suspension

1.2K 26 5
                                    

"I guess it's time for you all to go back to the team."

Pagkasabi niyon ng coach nila, sumigaw sila at itinaas nila ang mga kamay nila sabay sabing "YES!"

"I'll see you all tomorrow." sabi ng coach nila at umalis. Lumapit silang lahat sa akin atsaka sabay-sabay sinabing "Thank you."

"Para saan?" tanong ko.

"For teaching us to dance." saad ni Marco.

"Ayyy nako. Kung alam niyo lang na-" Hindi ko natuloy yung sinabi ko kasi tumingin sa akin ng masama si Mr. Pervert. "Kung alam niyo lang na ang sayang magturo." palusot ko at buti naman at tumalab iyon kay Mr. Pervert. Tiningnan ko yung relos ko kung anong oras na. Siguro naman meron pang kakaunting oras----Oh Geez!!

9:10 na! Late na ako sa second class!

Pumunta ako agad kay Mr. Pervert para sabihin na late na kami pero nung sinabi ko iyon sa kanya, hindi man siya nagulat o kumilos ng maayos.

"Hoy! Kailan ka kikilos?? Pasko? Halika na." Sinubukan ko siyang hilain sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya pero nakakainis lang kasi lalaki siya at di hamak na mas malakas siya sa akin.

"What's the use of going inside the classroom? Lagi nga akong nakakakuha ng line of seven sa card eh." sagot niya pabalik sa akin.

"Kasi ang kulang sa iyo ay ang pagiging hardworking kaya ano? Sasama ka ba sa akin o ano? Bilis!" pagmamadali kong sabi. Tiningnan ko ulit yung relos ko at nagulat ako dahil magna- 9:30 na. Tiningnan ko ulit si Mr. Pervert at hindi pa rin siya kumikilos kaya umalis ako mag-isa sa court. Nagmadali na akong lumakad hanggang sa makaabot ako sa harapan ng room. Kumatok muna ako at bubuksan na dapat pero kung mamalasin nga naman ako. Naka-lock yung pinto!!

Nakita ko si Alice na tumingin sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya kinuha ko agad ang atensyon niya sa pamamagitan ng pagkaway paulit-ulit. Nang makuha ko ang atensyon niya, nag-hand signal kami sa isa't-isa.

Ang sabi niya sa akin "Sabi ni sir ang lahat ng mga late sa class niya ay magi-stay sa labas for the whole time."

Sa sinabi niyang iyon, nadismaya ako. Kasalanan ng lahat ng ito ni Mr. Pervert ayy! Wait lang ako pala kasi sumama ako sa kanya pero ok lang iyon kasi bumawi lang naman ako sa kanya sa ginawa niyang kabutihan sa akin.

Nung natapos na yung second class, lumabas na yung teacher namin at tiningnan ako ng masama atsaka sinabing "Be earlier next time."

Pumasok agad ako sa loob para salubungin si Alice. Paglapit ko sa kanya, bigla agad siyang nagtanong sa akin. "Bakit ang tagal niyo ni Dane? Atsaka nasaan na pala siya? Siguro may ginawa kayong kababalaghan tapos iniwan mo lang siya doon para linisin yung mga nagawa niyang kalat?"

Sinapok ko siya sa ulo pagkatapos niya sabihin iyon. Grabe naman ang best friend ko! Grabe ang pagiging green minded. "Tinuruan ko lang sila ng mga teammates niya sumayaw."

"Marunong ka bang sumayaw? Sa pagkakaalam ko, matigas katawan mo." pang-asar niya pero bumawi rin ako agad.

"Hindi kaya. Dati kasi merong tinuro sa akin na sayaw at buti nalang at naala-" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang sumingit si Xian sa gitna namin ni Alice.

"Angel, magse-celebrate raw mamaya sabi ni Captain." Sabi ni Xian.

"Sabihin mo hindi na ako sasama." Bakit naman ako sasama? Na-late ako sa pangalawa kong klase at pinagalitan pa ako dahil sa practice na iyan!!!!! Atsaka hindi naman ako basketball player kaya ayaw ko.

"Pero kailangan mo raw talagang sumama." sabi ni Xian.

"Sabing ayaw ko sumama eh!" napalakas ko yata ang boses ko dahil narinig ako ni Mr. Pervert. Lumakad siya papalapit kung nasaan kaming tatlo nila Xian at Alice. Kada hakbang niya ay mabibigat kaya parang galit siya. Teka! Galit Siya!

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon