"Woohoo! Kasalan na!"
"Nilalanggam na ako!"
"Congratulations sa inyong dalawa!"
"Ang sweet niyo! Yieh!"
Iyan ang mga naririnig ko mula sa sari-saring sigaw ng mga tao dito sa loob ng restaurant. Kahit hindi ko sila gusto ko silang yakapin isa't-isa at maging kaibigan kahit na yung iba ay mas matanda pa sa akin. Feeling ko kasi sobrang bait nila at supportive.
"Tama ba ang narinig ko?" Tanong ng nakaluhod na Marco sa harapan ko. Tila hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang mga salitang binitawan ko sa kanya.
"Oo Marco!" Nakangiti kong sagot. "I love you, Marco! Payag na ako maging girlfriend mo!" Dugtong ko.
Lumaki yung mga mata ni Marco at napanganga siya hanggang sa maging isang malaking ngiti iyon. Tinanggal na niya yung singsing sa lagayan atsaka ito sinuot sa ring finger habang yung isa naman ay inilagay niya sa kanyang daliri. Kaparehas na kaming may singsing.
"I can't believe it!" Marco said in awe. "I thought hindi ka papayag. This was totally unexpected."
"Well, it just happened so that makes me your beautiful wife." I said then kissed his lips. It was longer than a three seconds kiss. It's more like a ten seconds kiss. "I love you!"
"I love you too! But we're not yet married, beautiful." Compliment niya sa'kin. Sabay na lang kami napatawa dahil sa huli niyang sinabi. I know we're not yet married pero masama bang maging excited? Lumabas na kami ng restaurant na hawak-hawak ang kamay ng bawat isa. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang kotse atsaka siya sumakay.
"So, where are we going next?" Excited kong tanong sa kanya.
"I can't tell it but I know you'll love it." He answered. Una pa lang 'to pero sobrang saya ko na paano pa kaya yung next. Mas lalo siguro akong sasaya. Siguro mas grande o kaya mas sweet pa kaysa sa proposal niya. Siguro magpopropose na siya sa akin kung pwede na kaming magpakasal.
Charot! Bawal magmadali! Sayang ang moments!
Huminto ang sasakyan sa isang bakanteng lote. Walang nakabukas na ilaw at mas lalong walang poste ng ilas sa daanan kaya sobrang dilim. Ang tanging nagsisilbing ilaw lang ay yung headlight ng sasakyan namin. Bumaba na si Marco sa sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Paglabas ko, pinagmasdan ko yung buong paligid. Naka-park ang kotse sa harapan ng bakanteng lote habang sa gilid naman ay puro mga kotse na naka-park rin. Yung totoo. Pasyalan na ba ngayon ang bakanteng lote?
"I know what you're thinking." Pagsingit ni Marco sa akin. "Hindi dito ang next destination natin. I'm not that dumb to pick this us our spot. Nag-park lang ako dito. Bawal kasi mag-park sa harapan ng pupuntahan natin. Lalakad na lang tayo papunta doon. Don't worry dahil two minutes walk lang naman 'yun." Paliwanag niya sa'kin sabay hawak sa kamay ko. "Let's go?"
Tumango ako bilang sagot. Sinimulan na namin ang paglalakad habang nakahawak ang kamay namin sa gitna. Tama nga si Marco. Two minutes lang iyon. Pagdating namin sa aming destinasyon namangha ako dahil hindi ito ang inaakala ko. Ang nasa isip ko sa isa ulit na kainan or pupunta sa mall pero mas higit pa pala doon. Nandito kami ngayon sa isang garden na nasa tabing dagat. Kitang-kita dito ang reflection ng bilog na buwan mula sa itaas. Ito lang ang katangi-tanging lugar na magkadugtong ang garden at ang dagat.
"This is beautiful!" Saad ko dahil sa pagkamangha. Sinimulan kong tumakbo sa garden at kumaripas na rin ng takbo si Marco atsaka ako sinimulang habulin. "Habulin mo 'ko!" Natatawa kong wika habang tumatakbo sa pinakamabilis na makakaya ko pero mukhang hindi pa sapat iyon kumpara sa mga mahahabang binti ni Marco. Hindi pa masiyado mabilis ang takbo niya pero nahahabol na niya ako.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...