Chapter 35: Award

909 21 1
                                    

"All done!" Usisa ni Herla atsaka inalis ang hawak sa buhok ko. Tumingin ako sa salamin at nalula ako sa ayos ni Herla. I'm like a goddess. Hindi ko aakalaing ganito pala kagaling mag-ayos si Herla ng buhok. Binagay niya sa suot ko ngayon. Inuna niya muna ayusan si Dane kanina kaya nakaupo lang siya ngayon sa gilid ko.

"Woah! You look stunning!" Puri sa'kin ni Baby Boy. Umikot ako ng isang beses para makita ang kabuuang look ko atsaka lumapit sa kanya.

"You look handsome, Baby Boy!" Puri ko naman sabay yakap. Ang bango ng pabango niya. I can sniff it all night.

"But there's one thing missing." Saad ni Dane. Naglakad siya patungo sa table at binuksan ang red na box. Nilabas niya yung necklace na bilini ko kahapon atsaka ito sinuot sa akin. "Perfecto!" Nakangiti niyang sabi. Seeing him smile also makes me smile.

"My work here is done!" Wika ni Herla. Niligpit na niya yung mga gamit na dala niya at paalis na sana ng kwarto nang tawagin ko siya. "Why dear?" Tanong niya.

Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya sabay yakap. Napakalaki ng tinulong niya sa amin ni Dane. Without her, hindi ito mangyayari. "Thank you so much! You're the best." Masaya kong wika.

"I know, darling, I know. It's such a pleasure." Aniya atsaka kumawala sa pagyakap. Naiiyak ako sa kabutihan niya pero pinigilan niya at sinabing "Huwag ka ngang umiyak diyan. Naiiyak rin ako eh atsaka baka masira mascara mo." Biro niya. "Goodluck to you two." At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

"Let's go now, Princess." Alok ni Dane sabay lapit ng kaliwa niyang braso sa akin. Inilagay ko doon ang kanan kong braso at bumaba na. Sumalubong sa amin si papa, kuya at si mama na may hawak na camera.

"Daddy, look at our little angel." Namamanghang saad ni mama. Tinutok na niya sa amin yung camera at sinimulang kumuha ng mga litrato kaya all smile lang kami ni Dane.

"You go and have fun." Saad ni pap bago kami lumabas ng bahay. Kumaway sila sa amin hanggang sa makapasok na kami ng kotse. Pinaandar na ni Baby Boy yung kotse patungo sa lugar na kagaganapan ng prom. Sana maging sulit lahat ng practice namin ng sayaw, kung ano gagawin kapag binigyan ng award tapos kapag pinapunta sa stage. Todo practice pa naman ako kasi gusto kong mabigyan ng parangal sa harapan nilang lahat.

Gusto kong maging prom queen at si Dane naman ang prom king. Oh diba! Bongga ang datingan naming dalawa. It will be a dream come true for me.

"Are you ready?" Masayang tanong niya sa akin habang nagmamaneho.

"Super ready!" Masigla kong sagot sa kanya kaya naman napatawa siya ng mahina.

"Me too."

Habang naka-red yung stoplight nilabas ko yung phone ko atsaka kinuhanan kaming dalawa ng litrato. "Smile Baby boy!" Pagkuha ko ng atensyon niya. Humarap siya sa camera atsaka ngumiti. Tinuloy niya ulit ang pag-drive nang magberde ang ilaw.

"Sana talaga worth it ang mga practice natin." I said while hoping with all of my heart.

"I'm sure all of it will be worth it and to make it more worth it I'm gonna be your first and last dance." Aniya. Natuwa naman ako doon. Para akong first lady ng isang guwapong presidente.

"It'll be memorable." Dagdag niya.

Nilabas ko ulit yung phone ko ng marinig ko itong mag-ring. Tinapat ko ito sa tenga ko atsaka sinimulan ang conversation.

"Hello?" Panimula ko.

"BESSS! NASAAN NA KAYO?!"

Bigla kong nilayo yung phone sa ulo ko. Si Alice pala. Grabe naman siya magsalita. Ginawa akong bingi. Siguro nandoon na sila at excited na excited.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon