Agad-agad rin kaming naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't-isa.
Bakit ko nagawa iyon?
Bakit ko siya niyakap?
Hindi ko alam kung kikiligin ako dahil nagyakapan kami o kaya naman ay mangilabot dahil niyakap namin ang isa't-isa.
Parang merong namagitang wall sa gitna namin kaya naman kaparehas kaming napatahimik pero sandali lang dahil sinira niya yung katahimikan na namamagitan sa amin.
"Uhmm... I'm sorry for hugging you. Definitely sorry. I'm just gonna pretend nothing happened." paumanhin niya sa akin sabay hawak sa kanyang batok. Halatang nahihiya siya sa mga sinasabi niya. Atsaka alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
Miski ako rin ay nagulat sa ginawa ko. Dahil sa ginawa kong iyon, parang hindi na ako makakatingin ng diretso sa kanya. "Hindi. Ok lang iyon kasi ako naman ang nagsimula ng yakap eh." Pagsabi ko sa kanya dahil hindi niya kailangan sisihin ang kanyang sarili dahil lang sa nangyari kanina.
"But I also hug you as an answer." Sabi niya sa ginawa niya sa akin kanina. Totoo naman ang sinabi niya na sinagot niya ang yakap ko sa pamamagitan ng pagyakap niya pero totoo rin ang mga sinabi ko dahil hindi ito lahat mangyayari kung hindi ko naman siya niyakap.
"Your hug is really warm and sweet."
-
-
-
-
O___________O--- Haaa????
>___________<
Putspa! Anong sinabi ko?! Bwisit na bibig naman ito oh!
Tiningnan ko si Dane at parang naging doble ang gulat niya.
Aish!! Ano ba itong nagawa ko?
"What did you say again?" Tanong niya sa akin.
"Wala." Sagot ko naman sa kanya sabay wave ng dalawa kong kamay na ang ibig sabihin ay 'Wala talaga'. Bigla ko na lang rin nakagat yung lower lip ko. Hindi dahil gusto kong magpa-sexy kundi ay dahil sa kaba.
"Are you sure?" Tanong na naman niya. This time, nakataas na yung isa niyang kilay. Halata sa mukha niya na gusto niya talagang ulitin ang sinabi ko.
"Ang sinabi ko, napakapanget mo." Pagsisinungaling ko pero parang nahalataan niya ako.
Iniwasan niya ako ng tingin atsaka nilagay yung dalawa niyang kamay sa magkabilaan niyang pocket sa kanyang pants. "I thought you said 'Your hug is really warm and sweet.'"
"Eh alam mo naman pala eh! Bakit mo pa tinatanong? Nag-iisip ka ba?" Reklamo ko sa kanya.
"Sabi ko na nga ba eh." masaya niyang sambit na nagpagulo sa isipan ko.
"Ano bang sinabi mo?"
"What I mean is... Umamin ka na sa akin."
"Anong umamin?" Gulong-gulo kong tanong sa kanya. Akala ko kasi matino siyang kausap. Hindi pala!
"Basta."
"Teka! Ang gulo." Sabay kamot ko sa ulo ko.
"Ang bagal ng utak mo eh, ano?" Tanong niya." Ang ibig kong sabihin ay sinabi mo na rin yung totoo na sinabi mo na magaling akong yumakap." Paliwanag niya.
Atsaka lang nag-sink in ang lahat ng sinabi niya sa utak ko. So umamin na ako? Ibig sabihin inamin ko talaga sa kanya na sinabi ko na 'Your hug is really warm and sweet'?
Hala! Lupa! Lamunin mo na ako!
"So my hug really warms you out? I'm a really good hugger. Maybe it's because of my six pack abs."
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...