Alice's POV
*SLAP*
"Aray!" sabi niya habang hawak-hawak yung kaliwa niyang pisngi. Sinampal ko siya ng napakalakas. Sino ba ang hindi magugulat kung bigla ka na lang hinalikan? Siyempre magugulat tayo. Hayss. Ilang shabu ba ang nasinghot nitong si Rey?
"Ba't mo ginawa iyon?" Sabi niya habang hinihimas yung kaliwa niyang pisngi. Kailangan pa bang itanong iyan? Bakit niya kasi ako ki-niss ng biglaan.
BAHALA SIYA.
Basta bukas magkekwento na lang ako kay Angel at sasabay na lang rin ako sa kanya papuntang University.
~#***#~
Briana Angel's POV
"Best friend!" sigaw ng tao na kakapasok lang ng mansion.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa baba. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Alice.
"O, Alice, bakit nandito ka?"
"Sabay na ako sa iyo papuntang University, pwede ba?" tanong niya.
"Sandali lang." sabi ko. Bumalik ako sa kwarto ko para kuhanin yung mga gamit ko atsaka yung teddy bear kong si Snow. Simula ngayon, lagi ko nang dadalhin si Snow. Pagkatapos, bumaba ulit ako.
"Ma'am, ihatid ko na po kayo." sabi nung driver namin.
"No thanks." tapos nag-smile ako sa kanya. Umalis na kami ni Alice sa mansion tapos naglakad na.
"May ikekwento ako sa iyo." panimula ni Alice.
"At ano naman iyon?" Tanong ko. Tumigil kami sa paglalakad. Humarap sa akin si Alice atsaka huminga ng malalim.
"Kiniss ako ni Rey." sa sinabi ni Alice bigla akong nagulat at biglang kinilig.
"Kinilig ka naman?" Tanong ko. Grabe talaga! Ang galing mag the moves ni Rey. Hangang-hanga na ako sa kanya.
"Anong kinilig? Kinilabutan kaya ako. Kaya ayun, Sinampal ko siya."
"Bakit mo sinampal? Alam mo namang gusto ka niya diba?" Ang KJ naman ni Alice. Siya na nga itong nililigawan, siya pa itong kinikilabutan.
"Alam ko namang may gusto siya sa akin. Halata naman eh. Pero hindi naman kasi tayo yung pipili ng makakatuluuyan natin kundi yung mga magulang natin. Kahit alam nating masakit kailangan pa rin nating sundin." Sabi niya.
Alam ko ang sinasabi ni Alice dahil nasabi na rin sa akin iyan ni Mama. Kailangan mapanatili yung yaman at progress ng company. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Alice at bigla ko ring naramdaman yung lungkot sa kanya kaya naisipan ko na ilabas muna si Snow.
"Nakikita mo ba ito? Nakita ko lang itong teddy bear na ito sa desk ko sa upuan ng school. Hindi ko nga alam kung sino nagbigay ng teddy bear na ito eh. O, ito, hawakan mo muna para gumaan yung pakiramdam mo." sabi ko. Pinahawak ko muna sa kanya yung teddy bear kong si Snow. Pagbigay ko kay Alice hinawakan niya ito bigla at niyakap.
"Dahil natulungan mo akong gumaan yung pakiramdam ko. Tutulungan kita." Magaan at masayang banggit ni Alice.
"Anong tulong?" Tanong ko. Bakit? Humingi ba ako ng tulong niya?
"Tutulungan kitang malaman kung sino nagbigay sayo ng teddy bear na ito." sabi niya.
Hindi na ako umangal pa dahil alam ko namang hindi rin ako mananalo sa kanya. "Eh sino nga ba?" Tanong ko.
"Ano munang pangalan ng teddy bear na ito?" Tanong niya habang hawak-hawak si Snow.
"Snow." sagot ko. Nag-isip agad siya at agad ring nagsalita.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...