Chapter 18: Dear Future Husband

963 20 3
                                    

Briana Angel's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kotse ni Mr. Pervert. Hindi nakabukas ang radyo kaya tanging ihip lang ng hangin ang maririnig sa buong kotse. As usual, walang nag-iimikan sa aming dalawa. Nakatingin lang siya diretso sa daanan habang ako naman ay nakatingin sa gilid na bintana.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta ni Mr. Pervert. Wala siyang sinasabi sa aking lugar simula nung nasa bahay pa kami. Dagdag mo pa yung pagkatahimik niya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagsarado yung bibig ng baliw na 'to.

Tumingin ako sa radio tapos kay Dane. Balak kong buksan yung radio para naman mabuhayan yung kotseng 'to. Nagmumukha kasing libingan eh. Tumingin uit ako kay Dane at malapad na ngumiti.

"Pervert, buksan ko yung radyo."

"...."

"Pwedeng buksan yung radyo?"

"...."

Hindi niya ako sinasagot at mas lalong hindi niya ako tinitingnan. Ano bang problema sa akin?

"Uy, wala ka na bang boses? tanong ko lang kung pwedeng buksan yung radyo na 'to." This time tinuro ko na yung radio sa harapan.

"...."

Wala pa ring sagot. Nakuhanan na yata 'to ng kaluluwa. Kanina pa kasi siya tahimik simula ng umalis kami. Kung hindi rin siya sasagot edi buksan ko na lang. Lumapit ako sa radio at pipindutin na sana ang on button pero bigla akong tinaboy ni Mr. Pervert gamit ang kanang kamay niya. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa harapan.

"Don't turn it on." Saad niya.

"Buti naman at nagsalita ka na. Akala ko pipi ka na." Sabi ko.

"Who do you think I am? Mr. Bean. F*ck no." Tumingin siya sa akin ng saglit atsaka ibinalik sa harapan.

"Hoy, Perverted! May boses si Mr. Bean. Matipid nga lang siya magsalita." Pag-defend ko kay Mr. Bean. Totoo naman ang sinabi ko ah. Naaalala ko pa nga si Teddy eh. Yung lagi niyang kasama kung may mga ginagawa siyang kalokohan.

"Still the same." Tipid niyang sagot. Hindi ko na lang pinansin yung sagot niya at tumingin ulit sa bintana.

"Patugtog ka naman oh. Ang tahimik eh." Saad ko sa kanya. Sana naman pagbigyan niya ako. Gusto ko ng makarinig ng kanta. Kung hindi, libingan na talaga 'to ng mga pipi.

Binuksan na niya yung music set at nagpatugtog na ng mga kantang uso ngayon. Nakuntento na ako kaya relaxed akong umupo at tumingin ng saglit kay Dane.

"Saan nga ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"...."

Ayan na naman! Bumalik na naman ang pagka-pipi niya. Muli na namang nagsarado ang bibig niya. Bakit ba sa tuwing itatanong ko kung saan kami pupunta tumatahimik siya? Dapat ba mysterious? Dapat ba surprise?

Eh paano kung kasal ang pupuntahan namin? Tapos naka-jeans pa ako at t-shirt na red. Edi kami lang ang naiiba? Eh paano kung prom ang pupuntahan namin? Tapos kami lang ang hindi nakaayos. Ano ba naman 'yan! Sobra naman 'yun.

"Saan nga tayo pupunta?" Pag-ulit ko sa tanong pero hindi pa rin niya ako sinagot. Inulit ko ulit yung tanong at tumingin na sa kanya ng diretso.

"Isang ulit mo pa. Paalisin na kita sa kotse." Babala niya at tumingin ng diretso sa mata ko. Parang nagkaroon ng laserbeam mula sa mata niya na tumama sa dalawa kong mata. Agad ko namang binawi yung tingin sa kanya at nanahimik na lang muna.

Nang huminto yung kotse sa isang madilim na lugar, bumaba si Mr. Pervert. Pumunta siya sa car door ng side ko at binuksan 'to. Lumabas naman ako atsaka siya pinasalamatan. Grabe. Ang bait naman niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Well, ofcourse, boyfriend ko siya at girlfriend na niya ako.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon