Briana Angel's P.O.V.
"Ang susuotin ko red gown."
"Sa isang famous designer naman ipapagawa yun glitter gown ko."
"Basta yung sa akin violet na may diamonds."
Rinig kong chika ng tatlong babae sa gilid namin. Kakatapos lang ng klase kaya binigyan kami ng prof ng oras para pag-usapan ang susuotin namin at ang partner na makakasama namin sa gabing iyon.
"So, nakaisip ka na ba ng susuotin nating dalawa?" Tanong ko kay Dane habang nakaharap dito. Kinamot niya ang kanyang mga mata dahil kakagising lang niya. Napahikab siya sa harapan ko at napansin kong may laway na nanigas sa gilid ng labi niya. Bigla naman akong napatawa na naging dahilan para magtaka si Baby Boy.
"Why?"
Hindi ko na siya sinagot. Kinuha ko na lang yung pamunas sa bag ko at binasa ito ng tubig atsaka tinanggal ang laway niya. Napatawa ulit ako ng makita ko ang ekspresyon niya, para bang nasasaktan ito dahil sa laway niyang dikit na dikit sa kanyang pisngi.
"Thank You." Pagsalamat niya. Nginitian ko muna siya atsaka sinagutan ng welcome. Pagkatapos, binalik ko ulit yung tanong ko kanina.
"Wala pa." Maiksi niyang pagsagot.
Dahil doon, kumuha ako ng isang papel at pencil at sinimulang mag-design ng gown na gagamitin ko para sa prom. Nakatitig lang si Dane sa papel habang ginagawa ko na yung outline. Nakakatuwa siyang tingnan kasi mukhang interesado siya sa nakikita niya ngayon. Nakakagaan ng loob yung ganoon klaseng ugali. Yung tipo na kahit stick man lang ang kaya mong i-drawing ipagyayabang pa rin ito ng boyfriend mo dahil alam niyang iyon lang ang kaya mo. Dahil ikaw iyan na minahal niya noong una pa.
"What are you doing?" Tanong niya. Npasampal na lang ako sa mukha ko. Akala ko pa naman alam na niya na nagdo-drawing na ako ng gown pero mukhang mas mabagal pa yata sa pagong ang utak niya para malaman ang ginagawa ko ngayon.
"Gumuguhit ng gown." Obvious kong sagot sa kanya at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Nanatili siyang tahimik sa gilid ko habang tinatapos ko yung gown na gusto kong suotin sa prom.
Maingay pa rin ang buong klase dahil wala naman nagbabantay sa amin na prof. May nagkekwentuhan, naglalaro ng gadgets, nagsusulat ng kung anu-ano sa board, nagpapalano, natutulog, at mga makukulit na nasa isang sulok.
"Sabi ni Alyssa sa akin pinayagan mo na raw si Marco na manligaw sa kanya." Pagpasok ko ng topic. Masiyado kasing boring kung guguhit lang ako dito ng walang ibang ginagawa. Naalala ko rin kasi si Alyssa ngayon tungkol sa pagtawag niya sa akin kahapon. Umabot ng dalawang oras ang usapan namin sa cellphone pero ang binabanggit lang niya ay tungkol sa pagpayag ni Dane sa kanilang dalawa ni Marco. Minsan nga hindi ko na siya sinasagot dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi niya hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Yup. Sinabi ko na sa kanya lahat ng haharapin niya sa isang relasyon. She wasn't afraid but she became more excited." Paliwanag ni Baby Boy. Nakatingin pa rin siya sa ginagawa kong gown. Malapit na rin naman matapos dahil madali lang naman siyang iguhit at lagyan ng design.
"Ganoon talaga magiging reaksyon niya. Nagmana sa'yo eh." Naramdaman kong nakatitig na siya sa akin kahit na nakatingin pa rin ako sa papel. Tinigil ko muna yung ginagawa ko at tinitigan pabalik si Dane. Tumagal ito ng isang minuto hanggang sa kaparehas na kaming napahagalpak sa tawa. "Hindi ba totoo?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa itaas at napakunot noo na para bang nag-iisip. Natatawa pa rin siya habang sinasabi ang "You're always right."
Binalikan ko yung ginuguhit ko at tinapos na ito. Pinakita ko ito kay Baby Boy. Matagal niya itong tinitigan bago sinabi sa akin ang opinyon niya. Sana naman magustuhan niya yung concept ko.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...