Chapter 1: Hello, Philippines!

11.4K 125 17
                                    

Sabado

Siguro nung nagpaulan si Lord ng swerte nakatulog ako. Sa karami-rami naman kasi ng pwedeng bigyan ng malas ako pa. Bakit ako?

Ako na lang lagi ang may problema, ang may kulam, may sakim, may lovelife, at may sakit na dinadamdam.

Kainis na buhay! Kung meron mang gamot na nagpapawala ng isip at sakit matagal ko na sanang ininom pero wala eh.

Pero sabi nga nila, 'Life Goes On.' Siguro dapat tanggapin ko na lang ang mga nangyari at ang mga mangyayari.

"We are now in the Philippines." Wika ng stewardess na nasa harapan ng eroplano.

Kakagaling ko lang sa Canada. Doon kasi ako nag-vacation since mainit dito sa Pilipinas. Halos 2 weeks lang ako tumira doon dahil hindi ko rin kaya. Hindi ko kasi kasama yung parents ko, yung brother ko, at yung best friend ko kaya nakakalungkot rin.

"We are now on land." Anunsyo nung Pilot sa aming mga passengers. Sinimulan ko ng kuhanin ang mga bagahe ko sa itaas at nagsimula ng bumaba sa eroplano.

Finally, nakabalik na rin ako dito. Malalanghap ko ulit yung hangin ng Pilipinas at yung mga dagat na nakakalunod. Bumaba na ako sa eroplano at sumalubong sa akin sina kuya, mama, at papa sa ibaba. Dali-dali naman akong lumapit sa kanila at niyakap ng napakahigpit. Miss na miss ko na talaga silang tatlo. As in, super miss!!!

"Bes!!!!"

Alam ko yung tawag na iyon ah. Iyon yung tawag na hindi ko narinig for almost two weeks. Napatingin ako sa direksyon kung saan narinig ko yung boses na iyon.

Nakita ko si Alice na papalapit sa kinatatayuan ko. Halos maging asawa na siya ni Flash sa bilis ng kanyang takbo.

"Bes!!!!!" Tawag niya ulit sa'kin.

Niyakap ko siya ng napakahigpit nung nasa harapan ko na siya. Niyakap niya rin ako pabalik bilang sagot.

"I miss you, bakla!" Ngumiti siya. "Ang tagal mong nawala. Halos 2 years." Sabay iyak.

"2 weeks lang, noh." Saad ko. "Ang boring nga doon eh." Paliwanag ko sa kanya.

"Dapat pala sumama ako." Pagsisi niya sa sarili. Sinuntok-suntok niya yung hangin tapos nagsimulang magdabog.

Natawa na lang ako sa pinaggagagawa niya. Halos para siyang hayop na nakakita ng pagkain.

Na-miss ko yung kakulitan niya. Yung katuwaan niya at yung mga biro niya. Iyon yung hindi ko naranasan sa Canada. Puro nood lang naman ako sa T.V. at mamamasyal lang ng kaunti. Iyon lang.

"Briana," Tawag sa akin ni papa atska ako sinenyasan. Alam ko na agad yung ibig niyang sabihin dahil ang gamit niya ay hand gesture.

"Sama ka na sa amin." Aya ko kay Alice.

"Saan?"

"Sa Bahay." Simple kong sagot sa kanya.

"Sige!" Tumalon siya. "Basta may pagkain ah." Atsaka niya ako hinampas sa balikat. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Isinakay na ni Kuya Ramond yung mga bagahe ko sa sasakyan namin. Sumakay na rin kaming lahat pati na rin yung driver namin.

Sa totoo lang, ang pamilya naming ang nagmamaya-ari ng mga Consueras Hotels na sikat na sikat dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa kaya siguro meron na rin kaming yaman.

Mayaman nga kami, maraming pera, may malaking bahay pero may isang problema.

Minsan lang nakakauwi yung mga parents ko dito sa Pilipinas. Halos sa mga importanteng occasions lang sila umuuwi na involve sa trabaho o kaya naman sa family katulad nito. Pero ngayong year dito muna sila for six months dahil na rin gusto nilang magpahinga. Buti na nga lang rin at natauhan silang dalawa. Puro na lang kasi trabaho yung iniisip nila. Kung anong lagay nung mga hotel, kung may problema ba, kung may masama bang nangyari o kaya naman may bagong employee na magtatrabaho.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon