Briana Angel's P.O.V.
"Alyssa, wala ka bang napapansing weird sa kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. Pinapunta ko siya dito sa bahay namin dahil wala akong magawa atsaka gusto kong malaman kung bakit parang iba yung ugali ni Baby Boy kanina. Baka kasi alam ni Alyssa kung bakit. Tutal magkapatid naman silang dalawa.
"Wala naman. Bakit?" Tanong niya sa akin. Akala ko pa naman alam niya yung nangyayari doon. Nagaalala lang naman ako sa Baby boy ko dahil sa sinabi niya kanina. Para kasi siyang aakyat na ng langit.
"Kanina kasi sobra yung mga sinabi niya sa akin. Para siyang natatakot na nagaalalang bata. Hindi ko alam kung may sakit siya, may kaaway, o may gagawing hindi dapat eh. Naguguluhan talaga ako." Pagpapaliwanag ko. Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko. Akala ko tinext ako ni Dane notification lang pala. Nilapag ko 'to sa gilid at humarap ulit kay Alyssa.
"Ganoon ba? Tatanungin ko na lang si kuya kung anong nangyayari pero huwag ka mag-alala wala namang sakit 'yun atsaka kilala ko si kuya. Hindi na 'yun nakikipagaway simula ng makilala ka niya. Naging anghel. Natanggal ang buntot atsaka ang sungay dahil lang sa'yo kaya nga nagpapasalamat nga ako sa'yo kasi ikaw lang ang tanging nakagawa nun sa kuya ko. Iyon lang yung time na nagbago siya para sa ikabubuti niya at ng mga tao sa paligid niya." Wika niya atsaka ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik sabay sabi ng "Welcome!"
Naputol lang ang pagyayakapan namin nang pumasok na si Alice sa loob ng kwarto ko. May dala siyang isang box ng pizza. Lumapit naman kami sa pizza at agad na binuksan sabay kuha ng tig-isang slice.
"Aba, teka nga. Pizza lang yung sasalubungin niyo? Ang sama niyo ah." Pagpaparamdam-presensya ni Alice sa amin. Napatawa naman kaming dalawa ni Alyssa at lumapit sa kanya para yakapin at magpasalamat sa pizza na dala niya. "That's better." Aniya sabay kuha ng isang slice ng pizza at tumabi sa aming dalawa. "So bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong niya.
"I'm overthinking. Hindi ko alam kung sa mga susunod na araw may mangyayaring hindi kaayaaya. Parang may hati kasi yung utak ko. Ang isa sinasabi wala at kumalma lang ako habang yung isa sabi meron kaya maghanda raw ako. Hindi ko alam kung anong susundan ko. Kanina kasi may kutob ako na parang may bago na naman na darating sa buhay namin ni Dane. Ano sa tingin niyo?"
Unang sumagot sa akin si Alice. Inubos niya muna yung hawak niyang pagkain atsaka sinimulang magsalita. "Sa tingin ko tama lang yung iniisip mo. I mean hindi naman natin alam kung anong mangyayari kinabukasan. Ang tanging nakakaalam lang niyan ay ang taong nasa taas. Siya lang naman ang makakapagsabi kung ano ang dapat mangyari. Basta tandaan natin na walang binibigay si Lord na hindi natin kaya. With God anything is possible."
Natulala kami ni Alyssa sa sinabi ni Alice. Kung out of this world ang mga iniisip ko siya naman out of the ground. Mukha na siyang nasa langit dahil sa pinagsasasabi niya.
"Teh, magmamadre ka ba paglaki?" Natatawang tanong ni Alyssa sa kanya.
"May dala ka bang holy water diyan sa pocket mo?" Tanong ko naman sa kanya atsaka napahagalpak ng tawa kasama si Alyssa habang si Alice patuloy lang sa pagkain ng dala niyang pizza.
"Akin na nga lang 'tong pizza na 'to." Pananakot niya sabay bitbit ng pizza palabas ng kwarto. Agad naman kaming napatayo ni Alyssa para hilahin pabalik si Alice pabalik. Nilapag niya ulit yung pizza sa gitna namin at umupo.
"Wala namang ganyanan. Okay seryoso na tayo ulit." Sabi ko. Kumuha ulit kami ng tig-isang slice at tinuloy ang usapan.
"Ako naman." Panimulang sagot ni Alyssa sa'kin. "Ayos lang naman mag-overthink ka. Kung ako nasa posisyon mo ganyan na ganyan rin ang gagawin ko. Tayong mga girls madalas mag-alala. Masiyado kasi tayong over protective but in a good way. Ayaw kasi nating mapahamak yung mga taong mahal natin."
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...