Alice's P.O.V.
"Bye, Alice. Ingat ka pag-uwi." Nakangiting paalam sa akin ni Alyssa. May pupuntahan pa kasi ako kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang sa bahay namin pag-uwi ko.
"Sige. Bye bye. Mag-ingat ka rin." Ngiti kong saad at pumasok na sa kotse. Pinasundo kasi ako ni mama sa driver namin kaya dito na lang ako nagpasyang sumakay. Umalis na yung kotse namin at dumiretso na sa pupuntahan ko.
By the way, pupunta ako sa isang library. May pina-assignment kasi sa amin yung guro naming mas makapal pa ang mukha sa bato. Sarap ikiskis yung mukha sa pader. Sabi niya gagawa raw kami ng istorya na tungkol sa kahit ano. Pwede raw love story, horror story, fantasy at iba pang kaekekan na nalalaman ng guro namin. Ang deadline raw ay next month which is October. Eh ayaw ko namang gawing busy ang buhay ko sa darating na week kaya gagawin ko na lang ngayong araw para naman kumonti rin ang mga aasikasuhin ko.
Nang nasa harapan na ako ng library, nagpaalam na ako sa driver namin at sinabing sunduin na lang ako mamaya. Hapon na rin kaya pagpasok ko maraming tao ang nakita kong nagbabasa ng libro. Kulang na lang vendor para magmukhang bilihan ng libro at pagkain ito.
Oo na. Ako na corny.
"Hi, Miss. What book are you looking for?" Tanong sa akin ng librarian ng lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan ko ulit yung paligid at sakto lang ang laki nito. May 2nd floor, puno ng mga libro, mga nakatayong bookshelf at mga mambabasa.
"Diary of a Wimpy Kid." Pagsabi ko ng title. Tinuro niya yung bookshelf kung saan nakalagay yung libro. Nagpasalamat ako sa kanya atsaka pumunta sa bookshelf na iyon. Nang makuha ko na ang unang series, umupo ako sa vacant seat na malapit lang sa kinatatayuan ko.
Inilabas ko agad yung notebook at ballpen sa bag na dala ko at nagsimula ng magsulat. Hindi naman mismo yung story ng Diary Of a Wimpy Kid ang isusulat ko kundi parang maghahanap lang ng idea. Hindi naman kasi ako isang manunulat para magsulat ng istoryang napakaganda.
Isang oras na ang nakakalipas pero nakaka-dalawang pahina pa lang ako. Hindi ko alam kung dahil hindi ako marunong o dahil tinatamad lang ako.
Isinarado ko muna yung libro at notebook ko. Hinilot ko yung ulo ko dahil kanina pa sumasakit. First time ko kasing gawin 'to eh. Ipinikit ko muna yung mata ko para matanggal ng kaunti yung bigat na nararamdaman nito.
Nang gumaan na yung ulo ko, idinilat ko ulit 'to pero sana hindi ko na lang ginawang dumilat. Iba kasi yung bumungad sa akin. Kahit nakadilat na ako dilim pa rin ang nakikita ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.
"Bakit? Masama na bang gumawa ng homework sa library?" Tanong naman niya sa akin habang nakangiti. Tingnan mo naman ang loko. Nakuha pa talagang ngumiti.
"Sa pagkakaalam ko bawal dito ang mga taong may pangalan na 'Rey'." Asar ko naman sa kanya. Tinaboy ko siya papalayo pero nanatili pa rin siyang nakaupo sa harapan ko at nakangiti. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa pagsusulat.
"Diary of a Wimpy Kid." Pagbasa niya sa title ng libro. Hindi ko siya pinansin imbes ay nagpatuloy lang sa pagsusulat.
"Ang ganda kaya ng story niyan."
No Comment.
"It has a lot of series."
No Comment.
"Ang ganda ng mga drawings diyan."
No Comment.
"Nakakatawa pa."
This time, hindi na ako nakapagpigil. Hindi ko na keri ang kadaldalan ng lalaking 'to. Baka mamaya, ilibing ko pa siya ng buhay.
"Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...