Chapter 15: Truth Or Dare?

1.1K 27 2
                                    

"Hoy! Balik ka dito!" Rinig kong sigaw niya.

ANG LIPS KONG VIRGIN!

Dapat naka-reserve itong cherry lips ko para sa night in shining armor ko!!

Go, Angel go. Huwag kang hihinto, go lang. Huwag kang titigil...

Sa kada hakbang na aking nagagawa parang may sumusunod sa akin, pero imposible naman yata. Sa pagkakaalam ko, malayo na yung nararating ko.

Huminto ako at paunti-unting inikot ang ulo ko patalikod at nakita ko si Pervert. Imposible! Paano niya ako nahabol ng ganoon kabilis?

"Ang bagal mo parang pagong. Mabagal na nga yung kilos, mabagal pa ang utak. Tss."

"Mas okay na yung pagong kaysa sa pervert atsaka FYI hindi ako pagong, Mr. Pervert."

BOOM! In your face! Sino pagong ngayon? Huh? Akala niya kung sino siya. You messed with the wrong girl dahil ang babaeng ito ay matapang. Hindi ako papayag na matalo sa isang lalaki. I need to be strong.

"Well, starting now I'm going to call you pagong." Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bulsa at nagsimulang mag-type. "Pa-gong."

Dala ng pagiging curious, sinubukan kong lumapit sa kanya at tingnan ang pinaggagagawa niya sa telepono niya. "Teka! Anong ginagawa mo?". Hindi niya ako pinansin subalit ay nagpatuloy sa pagtatype. Nakita ko namang nasa contacts na siya at nasa letter M. Nung nandoon na siya, nakita ko ang pangalang 'Miss Sungit' Wait a minute... Ako yun ah! Ako si Miss Sungit.

"Akin na nga iyan." Sabi ko sa kanya. Pinilit kong kuhanin ang telepono niya sa kanang kamay niya pero nakataas ito sa ere at naging dahilan para hindi ko ito maabot. Bwiset! Ang liit-liit ko kasi eh. "Sabing akin na iyan eh!" Pagkantyaw ko sa kanya. Tumalon ako ng pinakamataas pero hindi ko pa rin maabot yung telepono niya.

BWISIT KANG KAPRE KA!!!

Inilagay niya ulit yung telepono niya sa kaliwang bulsa niya at tinawanan ako. Yung tawang pang-asar.

"Now it's official that you are a slow creep."

"Hindi ako slow. Ako nga ang top sa room at ikaw ay isang hamak lamang na epal."

"Then you are a creep."

Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito ah. Sobrang init na ng dugo ko at gustong-gusto ko na siyang ilibing ng buhay!!!

"I'm not a creep. Pero ikaw? Isa kang halimaw." At dito nagsimula ang love story namin este sagutan pala. Hindi Love story! Sagutan!

"Pagong."

"Pervert

"Pagong"

"Pervert"

"Pagong"

"Pervert"

"PAGONG!"

"PERVERT!"

"Dane. likha laro tayo basketball." Yaya ng isang lalaki kay Mr. Pervert. Sinagot naman niya ito ng nakatingin pa rin sa akin.

"Sunod ako." Tanging sagot niya. "Looks like I have to go."

Inirapan ko siya.

Shocks! Hindi na kaya ng red blood cells ko ang mga nangyayari ngayon. Sasabog na yata ako!

Tumalikod siya sa akin at sumama sa lalaki. Sabay silang naglalakad palayo sa kinatatayuan ko pero rinig ko pa rin ang usapan nila.

"Pare, sino iyon? Bagong Chix? Ang hot niya ah. Akin na lang, pwede" Tanong ng lalaki.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon