"Where did you get the urge to do that?"
Iyan ang tanong sa akin ni Mr. Pervert habang naglalakad kami sa hallway. Kung ako nasaktan ng physical, siya naman nasaktan ng emosyonal. Kahit ngayon ramdam ko pa rin ang sampal na natamo ko kay Bhea. Siya pa kaya na sinampal ko ng dalawang beses, di ba?
"Siguro sa sarili ko lang." Sagot ko. "Come to think of it, deserve naman niya ang ginawa ko dahil kailangan rin niya matakot."
"Eh ikaw? Hindi ka ba natatakot? Alam mo naman siya. She's full of surprises."
"Parang ang saya ko nga na nagui-guilty eh. Hindi ko alam kung ano doon sa dalawa ang sakto na nararamdaman ko. Bwisit na emosyon kasi ito eh."
Nang dahil sa sinabi ko tumawa siya. Saglit lang iyon pero natuwa ako kaya napangiti ako. Ang cute niya kasi kung tumatawa siya even though mas marami ang dark side niya.
"Salamat nga pala." Nakangiti kong ani sa kanya.
"No, Ako dapat ang mag-thank you."
"Para saan?"
"Para sa ginawa mo sa kanya."
"Hindi ko naman magagawa iyon kung hindi mo ako hinarangan. " Atsaka ako napangiti ng sinabi ko iyon.
"Let's just thank each other." Ani ni Mr. Pervert. Ginawa namin iyon and it's kinda nice.
Parang kumakain ka lang ng ice cream na hindi natutunaw. Sana may ganoon, noh?
"Holy Crap!!!" Biglaang sigaw niya. Umabot yata sa pinakadulo ng hallway ang sigaw niya. Pangalawang beses ko na siyang nakita at narinig na sumigaw pero lagi pa rin akong nagugulat.
Buti na lang at wala na masiyadong tao dito sa hallway kaya naman okay pa sa akin ito. As long as walang mangyaring hindi kaaya-aya.
.........
AHH!
Anong pinagiiisip ko?
Bwisit na utak naman kasi ito eh! Nagsasarili!!
"I forgot my shirt." Sabi niya. "Wait for me here, I'm just gonna get it inside my car."
Mabilis siyang tumakbo paalis ng University ng hindi inaantay ang pagsagot ko. Sa bagay, baka nalalamigan na rin siya at baka magka-ubo pa. Habang tinitingnan ko siyang tumatakbo palayo, sinalubong naman ako ni best friend. Mukhang late yata siya ngayon. I wonder why?
"Ano ito?" Bungad niya sa akin atsaka itinaas ang kanang kamay niya na hawak-hawak yung litrato.
"Mahabang kwento." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya. Dahil may iniintay ako ngayon, hindi muna ako sasama sa kanya paakyat dahil paniguradong itatanong niya sa akin ang tungkol doon. Nagpaalam na siya sa akin atsaka dumiretso na papunta sa kwarto ng unang klase niya. Kaunting oras na lang at magsisimula na rin ang lahat ng mga klase kaya naman sana dumating agad yung pervert na iyon para naman makahabol pa ako bago magsimula. Umupo muna ako sa bench na hindi masiyadong malayo sa kinaroroonan ko. Nag-antay ako ng halos tatlong minuto atsaka ko pa lang siya nakita.
And OH. MY. GOSH. Totoo ba itong nakikita ko? Naka-fitted shirt siya? Bakat ang mga abs at biceps niya!
KYAAAAHHH!!
Palapit siya ng palapit with his worked abs. Langit, Fireworks please!!!
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan baka matunaw ako." Babala niya sa akin pero wala akong pakialam dahil tutok pa rin ang mga mata ko sa kanya. Kahit saang anggulo mo siya tingnan, mapa-left o right ka man isa pa rin siyang hot na lalaki.
Ngayon alam ko na kung bakit sa kada titig niya, sa katawan niya at sa ugali niya ay tumitibok ang puso kong ito.
Kasi ginusto nito si Dane....
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...