Chapter 30: Cheerleader

694 20 2
                                    

"Okay class, few more days and prom night will be celebrated. I encourage all of you to join with your partners. Make sure that all of you will wear your most beautiful gowns and tuxedos." Rinig kong anunsyo ng adviser namin.

Yes naman! Konting tiis na lang at magkakaroon na ng sayahan. Especially, masusuot ko na rin ang gown na ginawa ni Herla.

Tumingin ako kay Dane na kasalukuyang nakatutok sa kanyang telepono. "Kamusta na yung mga susuotin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ni Herla makukuha natin ang mga iyon next tuesday pa." Balita niya. Wednesday na ngayon. Kung sa Martes namin makukuha ibig sabihin mag-iintay pa kami ng anim na araw. Sana naman worth ang pag-iintay namin atsaka sana maganda ang kalalabasan ng tuxedo at gown na pinagawa namin ni Baby Boy.

Naniniwala naman ako na maganda ang maibibigay sa'min ni Herla. Sabi kasi ni mama the best raw si Herla pagdating sa designing at clothing.

"That's all for today. Class dismiss." Pagtatapos ni ma'am ng klase. Binitbit na namin ni Baby Boy ang aming backpack atsaka lumabas ng room. Huminto muna kami saglit sa paglalakad dahil may balak sa'kin sabihin si Dane.

"Angel, le-" Ngunit hindi natuloy dahil bigla akong hinila ng dalawang bruha papunta sa kanila. Wala namang nagawa si Dane kundi mag-antay.

"Bes, may ikukwento ako sa'yo. Kyaah! Kikiligin ka." Excited na saad ni Alice habang nakangiti ng todo. Humarap naman ako kay Alyssa. Nakangiti lang siya at hawak-hawak ang dalawa niyang libro sa kanyang balikat.

"Tungkol saan?" Tanong ko pero mukhang ayaw nila magpaawat sa kilig.

"Gusto mong malaman? Pwes, punta ta-" Hindi na naituloy ni Alice ang kanyang sasabihin. Sumingit kasi sa amin si Dane.

"Excuse me but can I have my baby girl for a second?" Pagpapaalam ni Dane sa dalawa. Humarap ako sa kanya habang hawak-hawak niya ang dalawa kong balikat.

"Let's go to the gym. We have a practice." Anunsyo niya. Saglit muna akong tumingin sa dalawa kong bes at tinanong kung saan ba kami pupunta.

"Saan pa ba? Edi sa gym." Sagot ni Alice. Tahimik pa rin na nakangiti si Alyssa sa gilid. Ano na naman kayang nainom nito?

"Kung sa gym rin naman punta nating lahat edi sabay-sabay na tayo. Tutal mas maganda kapag marami." Napansin ko kasing isang lugar lang ang patutunguhan namin. Pumayag naman ang tatlo sa sinabi ko kaya nagsimula na kaming maglakad papuntang gym. Kami ni Dane ang nasa harapan habang si Alice naman at si Alyssa ay nasa likuran namin.

Pagpasok sa gym nakita namin ang Black Lions na nagkakanya-kanyang gawa. Tila may mga sariling mundo. Merong mga nakatutok sa telepono, may ibang naglalaro na ng basketball, may mga nagkekwentuhan at meron ring mga natutulog sa bleachers.

Pero nang makita nila si Dane agad silang nagsipuntahan sa gitna. Nakadiretso ang pila kahit na ang iba'y tulog pa rin ang isip.

"Umayos na nga kayo!"

"Nakatingin na sa'tin si Captain."

"Mamaya na nga kayo magkwentuhan diyan."

"Uy! Baka patayin tayo ni Captain sa tingin niyan."

Rinig kong mga usisa nila. Natawa na lang kaming Triple A sa mga lalaki. Sobra silang nakakatuwa.

Nang mapansin nila kaming tatlo, nagsimula silang bumati. Ngunit sa lahat ng mga bumati dalawang lalaki lang ang katangi-tanging lumapit sa dalawa kong bestfriend para bumati ng todo-todo. Sina Rey at Marco.

"Hello, miss beautiful." Matamis na bati ni Rey kay Alice.

Ngunit parang diring-diri naman itong best friend ko. Hindi niya pinansin si Rey at inikutan pa 'to ng mata. Kawawang Rey.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon