Magsasabi ba ako ng totoo or magsisinungaling?
Sabi ng mama ko na masama raw magsinungaling pero paano na iyan. Siguro, kailangan ko na magsabi ng totoo.
"Ahhh... Mr. P paano kung sinabi kong oo?" Tanong ko sa kanya sabay lunok sa lalamunan.
"I'll kill you!" Bulyaw niya sa akin.
"Kaya mo iyon?" Hamon ko sa kanya na may halong takot.
"Wanna see?" Tanong naman niya sa akin.
"Obviously, ayaw ko. Please lang naman. Pakawalan mo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya at pinipilit na umalis ngunit lagi siya humaharang.
"Now tell me the truth."
"Ok, Diba nga naiwan mo yung cellphone mo? Binuksan ko iyon at tiningnan sa messages at phonebook." pagpapaliwanag ko
"Magpasalamat ka dahil babae ka." Sabi niya sabay alis.
Minsan rin pala eh nakakatakot rin siya. Akala ko nga uututan niya talaga ako kasi mas pipiliin ko pang mamatay. Kinilabutan rin ako doon. Naglakad ako papunta sa cafeteria para kausapin si Alice.
"So, paano naiwan ni Dane yung cellphone niya?" Tanong ni Alice sa akin na parang kating-kati na malaman.
"Nung pag-uwi-"
"Ayieee...."
"Hoy bruha!!! Walang nangyari kaya huwag mo lagyan ng malisya." itong si Alice talaga napaka-advance mag-isip.
"So, paano nga?" Tanong niya ulit sa akin.
"Tapos na kami mag-practice nun kaya umuwi na siya pero hindi niya namalayan na naiwan pala niya yung cellphone niya kaya pinakielaman ko 'yon at doon ko lang nalaman na dating magkarelasyon sila ni Sofia."
"Napaka-chismosa mo talaga." Saway niya sa akin.
"'Parang ikaw hindi. Tingnan mo iyang ginagawa mo. Nakikialam." Saway ko naman sa kanya. Syempre damayan lang 'yan.
"O, ano problema?" Tanong ni Alice kasi hindi niya alam na hinatak ako kanina ni Mr. P. Nakita kaya niya?
"Kanina kasi hinatak ako ni Dane papuntang computer room tapos tinanong niya ako kung pinakielaman ko ba yung cellphone niya. Sinabi ko sa kanya na sa messages lang at phonebook pero hindi ko sinabi sa kanya na nalaman ko yung tungkol sa kanila ni Sofia." pagpapaliwanag ko
"Paano naging sila? Nag-break ba sila? Bagay ba sila sa isat-isa?" Napaka-raming tanong naman ni Alice.
"Naging sila ni Dane ng 3 months pero nag-break rin sila ng dahil kay Bhea pero hindi ko alam kung bagay sila. Love triangle I guess?"
"Paano naman nasama yung bully queen na iyon?" Tanong ni Alice na may kasamang galit.
"Nag-break sila ni Sofia ng dahil kay Bhea kasi hinatak ni Bhea si Dane mula sa loob ng bar at isinandal niya sa labas and pretended doing something on him."
Nagulat ako kasi bigla-biglang sumulpot si bully queen.
Dumadating na ang karma!!!
Pls. Evacuate immediately!!!
Weee Wooooo Weeee Wooo
"What are you two talking about? 'Cause I heard my name." Saad ng Matapang tanga.
"Angel, alis na ako nawalan na kasi ako ng gana." pagpapaalam ni Alice pero bigla siyang hinatak ni bully queen pabalik sa upuan niya. Halata rin kay Alice yung gulat sa mukha niya pati nga rin ako ay nagulat din eh. Nasabi ko na ba sa inyo na kung may umaway kay Alice ay nagiging kingkong siya? JOKE! Pero matapang siya. Hindi siya yung taong mahina kaya kung may umaaway sa kanya lalaban siya.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...