Lunes
Pasukan na naman at dahil pasukan ulit mapupuno ulit ng miserable at mishappenings sa buhay ko. Katulad na lang ngayon.Nakaayos na ako't lahat-lahat. Kumpleto ang mga gamit at maaga pang pumasok. Una kong tiningnan ang schedule ko atsaka nilista. 4th year highschool na pala ako ngayon sa Simistic University.
So, pumunta na ako sa unang room ng first class ko na located sa 3rd floor at sa pagkakatanda ko ang room number ay #491. Pumunta na ako sa room na iyon at ng makapasok ako. Lahat ng mata ng mga ibang estudyante ay napunta sa akin. Para nila akong ginawang target. Creepy.
Humanap na lang ako ng mauupuan atsaka nag-antay ng iba pang makakasalamuha ko sa kwartong 'to. Hindi nagtagal ay may pumasok na rin na professor sa harapan ng kwarto. Una niyang sinabi sa amin ang subject niyang Calculus na siyang ikinataka ko. Sa pagkakaalam ko, Physics ang una kong subject. Dala ng pagtataka, tiningnan ko yung schedule na sinulat ko kanina at tiningnan yung room number.
Room #419 – Physics Class
Oh My Gerd! Mali ako ng napasukan! Maling room 'to. Mali pa ang subject. What to do? What to do?
Tiningnan ko yung professor at agad na tinaas ang kamay ko. "Sir,"
Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung anong excuse ang gagawin ko. Kainis na katangahan oh! Tingin-tingin din kasi, Angel. Ayan tuloy!
"Mali ako ng room. Baboosh!" Sabay takbo paalis ng room. Agad akong tumakbo ng napakabilis papunta sa room #419 kung saan talaga ako unang papasok. Bumaba pa ako ng 2nd floor para lang makarating sa kwartong iyon.
Pasado na ako sa pagiging asawa ni Flash.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala pa yung professor namin. Tumingin naman ako sa mga kapwa kong estudyante ko na parang hindi ako nakita. Mas mabuti na iyon kaysa naman gawin pa nila akong hayop na gusto nilang kainin.
Naghanap ako ng mauupuan at may nakita akong bakante sa gitna katabi ng isang lalaki. Doon na lang ako umupo at nag-intay.
10 minutes na ang nakakalipas at wala pa rin yung professor namin. Tiningnan ko yung katabi kong lalaki na nakatalikod sa akin. Nakikipag-usap siya sa mga kabarkada niya at halatang nagtutuwaan sila. Nadatnan kong may inumin sa lamesa niya na halos puno pa ang laman. Parang hindi pa nga niya 'to iniinom eh. Mango juice yung laman.
Nilabas ko yung booklet ko sa loob ng bag at sinulat ang section ng grade ko. Habang nagsusulat ako, may sumagi sa aking babae na dahilan para mabuhos yung mango juice sa polo ng lalaki. Tumingin naman ako sa babaeng sumagi sa akin at nakita ko siyang tumatawa kasama ang mga mukhang lupa niyang kasama.
"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." Sarcastic niyang saad. Halata naman na sinadya niya 'yon eh.
Tumingin ako sa seatmate kong lalaki at laking gulat ko ng nakatingin rin siya sa akin. Hindi lang iyon basta tingin kundi isang angry stare. Nakita kong basang-basa ang gilid ng polo niya at yellow na yellow pa ito.
"Look what you just f*cking do!" Bulyaw niya sa akin. Kulang na lang sumabog siya eh. Natakot ako kaya napatahimik ako. "Now what?! You can't explain? Well, Sh*t!" Galit niyang saad.
"Sorry, hindi ko naman sina-" Hindi ko na natapos yung pangungusap ko dahil may bigla akong naalala sa mukha niya. Parang nakita ko na siya eh. Yung mata niyang color brown, yung braso niyang malaki at yung buhok niyang ayos na ayos.
Bigla kong naalala yung lalaking pumalo sa akin. Siya yung lalaking iyon. Yung lalaking nakita ko sa DVD store.
Biglang lumaki yung mata naming dalawa at bigla na lang nagulat na para bang may bomba na sasabog sa gitna.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...