Chapter 23: You're Everything

703 19 2
                                    

Habang palapit ng palapit kami sa mystery venue, mas lalo akong kinakabahan. Ito na ba yung oras na dapat nagpaparaktis na akong mag-greet sa taong mami-meet ko? Sino nga ba siya?

Nakakainis naman. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino yung tinutukoy nila Alice sa akin. Baka mamaya niyan manyakis pala yung makakasama ko o kaya naman ay killer. Jusko Lord!

Dumilim na ang kalangitan at sumapit na ang gabi. May nadaanan kaming mga couple at mag-asawa na magkahawak ng kamay, naghahalikan at nagyayakapan. Nakakainggit naman silang tingnan. Sobrang sweet nilang lahat. Eh ako? Sino ba mayayakap ko at mahahalikan ngayong gabi? Baka mamaya niyan lamay pala ang pupuntahan namin o kaya burol? Sobrang bongga pa naman ng suot ko tapos isang burol lang pala pupuntahan namin. Magpapalamon na talaga ako sa lupa nun.

Pumasok ang kotse namin sa isang malaking mansyon. Pumasok ito sa malaking gate na binukas ng dalawang maid. Tumigil ang kotse sa harapan ng mansion. Bumaba ang driver ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya rin yung kanan kong kamay para makababa ako ng maayos.

Sumalubong sa akin ang isang red carpet na may mga red roses. Patungo ito sa malaking pinto sa aking harapan. Nakasarado pa ito kaya wala akong makita sa loob mismo ng mansion.

Mula sa pagtitingin, sumorpresa sa akin ang dalawa kong kaibigan. Akala ko sa bahay lang sila pero susunod pa pala sila sa akin. Kanina kasi parang hindi na nila ulit ako makikita pa nung nagpapaalam sila sa akin.

"Bakit nandito kayong dalawa." Tanong ko sa kanilang dalawa. Umalis na yung driver gamit ang kotse papunta dito. Tiningnan ko naman yung kotseng ginamit nilang dalawa at ito ay isang white na kotse. Hindi ko alam yung pangalan dahil hindi naman ako sanay sa mga kotse-kotseng iyan. Mas alam ko yung mga pangalan ng mga lipstick, powder at iba pang pang make-up tools.

"Ano ka ba, girl? Syempre ayaw namin mamiss ang moment na ito." Paliwanag ni Alice sa akin atsaka ako pinalo ng mahina sa braso.

"Once in a lifetime na nga lang namin ito makikita tapos hindi pa namin masasaksihan? Sayang naman." Sagot naman sa akin ni Alyssa.

Natawa na lamang ako sa sinabi nilang dalawa. Kahit kailan talaga napaka-thoughtful nilang mga kaibigan. Hindi nila ako nakakalimutan. Alam kong maraming beses ko na itong nasabi pero love na love ko talaga silang dalawa. Feeling ko ako si Cinderella. Yung kotse yung pumpkin chariot ko, yung red carpet yung daanan ko, yung pintuan yung papunta sa ball room at itong dalawang bruha kong kaibigan yung dalawang daga.

"Halika na." Yaya sa akin ng dalawa at inayusan ako.

"Anong 'Halika na'?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Maglalakad ka dito." Maiksing sagot ni Alice at itinuro yung red carpet. Talagang maganda ang madadaanan ko ngayong gabi ah.

"Ready ka na ba?" Tanong ni Alice sa akin.

"Super ready na ako." Excited kong sagot sa kanya.

"Basta goodluck sa'yo ah. Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa." Makulit na wika ni Alyssa sa akin. Unting nawala ang kaba ko sa kanya.

Pagkatapos ng mga sinabi nila, automatic na bumukas ang malaking pintuan sa harapan ngunit wala akong makita sa loob. Madilim na madilim doon.

Sinimulan ko na ang paglakad. Mabagal lang ako naglakad dahil ayaw kong ma-pressure at kabahan. Huminga ako ng malalim at nilunok ang hiya't kaba ko ngayon. Nang makapasok na ako sa loob, wala akong nakita kundi ang dilim. Wala akong makitang mga gamit at mga tao. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kadiliman. Sumarado na ang malaking pinto na naging dahilan para mas dumilim pa dito sa loob. Sinimulan akong kabahan dahil kung may kinakatakutan man ako sa buhay, iyon ay ang dilim.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon