Halos madaling araw na ng makatulog na kami ni Dane. Sa kwarto niya kami natulog at walang nangyari kaya huwag kayo magisip-isip diyan. Basta pagpasok lang namin, pumunta na kami sa higaan at kaparehas na natulog.
Dinilat ko na ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang liwanag ng araw. Tinanghali na ako ng gising. Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong wala si Dane. Imposible namang umalis siya ngayong umaga dahil ang sabi niya sa akin kagabi ay sasamahan niya ako dito sa bahay. Imbes na mag-isip, inayos ko na lang ang pinaghigaan namin at lumabas na ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at ang sumalubong sa akin ay isang plato na may lamang kanin, itlog at ng ham. Matagal ko itong pinagmasdan dahilan para ma-curious ako kung sino ang nagluto nito.
Ang hinala ko ay ang mga kasambahay dito sa bahay. Sila lang naman ang kasama ko ngayon sa bahay eh. Si Alyssa pumasok na sa Simistic University, si Cody tulog pa rin sa doon sa kwarto ni Alyssa, at si Dane naman ay nowhere to be found. Wala akong alam kung saang lupalop ng mundo siya pumunta.
Mula sa loob ng cooking area, lumabas ang isang batang babae na kasambahay dito sa bahay.
"Mae." Tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin habang nakangiti atsaka ako binati ng good morning. Binati ko rin siya pabalik."Kilala mo ba kung sino ang nagluto nito?" Tanong ko sa kanya na para bang desperado ng marinig yung sagot. Ikaw kaya itong gawan ng breakfast mula sa anonymous person. Nakaka-curious lang.
Nginitian ulit ako ni Mae at may inilabas mula sa pocket ng suot-suot niyang apron. Isa itong yellow na sticky note. Ibinigay niya ito sa akin habang kinikilig. Binasa ko yung nakalagay sa sticky note.
Hi Baby Girl! Happy Breakfast! I made you your favorite. I love you!
Biglang nagkaroon ng ngiti sa labi ko pagkatapos kong basahin yung sulat. Ang thoughtful naman ng Baby boy ko. Inalala pa talaga ako.
Kinain ko na yung pagkain na nakahain sa harapan ko. Hindi maalis sa mga labi ko yung mga saya na nararamdaman ko ngayon. Dahilan para magmukha akong baliw habang kumakain. Inilagay ko na ito sa lababo at hinugasan pagkatapos.
Pumunta naman ako sa sala ng bahay para manuod ng movie. Boring rin kasi ngayong araw. Wala akong magawa dito sa bahay at hindi rin ako makakapasok sa University ngayon.
Kinuha ko na yung remote sa gilid ng T.V. at nagulat na lang ako ng may makapa akong isang maliit na yellow na papel na nakadikit sa likod ng remote na hawak-hawak ko.
Enjoy watching the television, baby girl. Don't watch too many, ok? I love you!
Nakita ko na naman yung word na baby girl. Syempre ang nagsulat nito ay ang baby boy kong si Dane. Siya lang naman ang tunatawag sa akin ng baby girl eh. Ano kaya ang trip nun ngayon at binibigyan ako ng mga papel?
Hindi ko na itinuloy ang balak kong manuod ng movie imbes ay nag-isip na lang ng mga dahilan ng mga nangyayari ngayon. Medyo nabibigla kasi ako sa mga nangyayari ngayon eh. To think na umaga pa lang ay may mga ganito na, paano pa kaya mamayang hapon at gabi. Una kong inisip yung breakfast kanina. Paggising ko pa lang, meron ng nakahain sa akin na pagkain at may note pa ito. Ang ibig sabihin lang nito ay ipinagluto ako ni Baby boy ng breakfast bago siya umalis ng bahay. Pangalawa ay itong hawak-hawak kong yellow na papel. Ang sarap lang sa feeling na makita mong kahit wala siya ngayon ay parang nandiyan lang siya sa tabi mo. Di ba ang sabi niya ay maging masaya ako habang nanunuod ng T.V.?
Binuksan ko na yung T.V. at may nakita akong isang video file na nakalagay sa gilid. Ipinindot ko ito gamit ang remote control at nagsimula ng mag-play yung video. Sumalubong sa akin yung mukha ni Dane na nakatingin sa camera habang nakangiti.Mukha tuloy siyang nakatingin sa akin. Nagsimula na siyang magsalita at sa kada pangugusap na sinasabi niya ay napapangiti na lang ako.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...