Chapter 28: Staring Game

604 21 1
                                    

"Dane, diba si Bhea 'yun?" Tanong ko habang nginuguso ko yung pwesto ni Bhea.

Tinangal niya muna yung tingin niya sa kanyang cellphone. Pinagmasdan niya ng mabuti yung babae doon sa dulong table atsaka sinabing "Yes."

Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa cellphone at tinuloy ang paglalaro ng Clash of Plants. Iyan ang pinakasikat na laro ngayong araw. Hindi ko nga alam kung anong addicting diyan pero sabi nila kailangan raw kasi araw-araw nilalaro para hindi mamatay yung mga plants na panglaban.

Ako naman pinagpatuloy ko lang yung pagtingin ko kay Bhea. Nakatutok lang siya sa cellphone niya at mukhang may kausap sa text. Magkasalubong ang mga kilay niya at nakanguso naman ang kanyang labi. Siguro may dalaw ang bruha na ito ngayon kaya ganoon ang mukha.

Padabog niyang binaba ang cellphone niya sa table at masamang nakatingin sa glassed door. Mukhang may inaantay siyang tao.

"Sa tingin mo bakit kaya siya nandito?" Tanong ko kay Dane. Seryoso siyang naglalaro ng COP kaya inulit ko yung tanong ko sa kanya.

"Huh? Ano? Ako ba kausap mo?" Sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin sa akin. Agad ko siyang tiningnan ng masama kaya naman napahawak na lang siya sa batok niya.

"Ang tanong ko ay kung bakit nandito si Bhea?" Naiinis na ulit ko sa kanya. Tumingin ulit siya sa kinauupuan ni Bhea atsaka sinagot ang tanong ko.

"Maybe she has a date." Panghuhula niya at muling ibinalik ang atensyon sa laro. Napa-poker face na lang ako at iniwasan na lang muna siya ng tingin.

Saktong-sakto may pumasok na lalaki sa loob ng resto na may dala-dalang payong at nakasuot ng raincoat. Malakas siguro ang ulan kaya ganoon na lang siya kung manamit. Sa pagkakaalala ko wala namang isang patak ng ulan ng lumabas kami ng sasakyan kanina. Siguro suwerte kaming dalawa ni Dane dahil hindi kami naabutan.

Pinunas muna ng lalaki yung sapatos niya at diretso ng naglakad papunta sa table kung nasaan nakaupo si Bhea. On the other side, nakasimangot pa rin si Bhea kahit na dumating na ang kanina pa niyang iniintay na lalaki.

"May boyfriend na pala si Bhea." Bulong ko sa hangin. Ngayon ko lang kasi nakita yung lalaki. Hindi ko siya napapansin na kasama ni Bhea sa University o kaya naman sa iba pang galaan. Hindi rin pamilyar sa akin yung mukha ng boyfriend niya kaya nakakapanibago. Pinagmasdan ko yung mukha ng lalaki at yung mukha ng bruha. Halos magkaparehas sila ng kilay at mata. Ang ganda naman nilang couple. Magkaparehas sila ng pagmumukha. Sinong mag-aakalang may magmamahal pa pala sa isang katulad ni Bhea?

"He's not Bhea's boyfriend." Singit ni Baby Boy sa'kin. O-okay. So girlfriend siya ni Bhea? Ibig sabihin transexual yung kasama niya. Harajusko!

"Sino ba siya?" Tanong ko dala ng curiousity.

"He's Zylan Dion," Pagsabi niya ng pangalan. Teka. Dion? Parang alam ko na yung kasunod. "He's Bhea's brother."

Sinasabi ko na nga ba eh!

Teka.

May sinabi ba ako?

Nevermind. Hindi ko aakalaing ang ganyang kasama uri ng babae ay may kapatid pa pala. Akala ko pa naman only child lang siya kaya napakasalbahe ng ugali niya. Ang rami ko namang hindi alam sa buhay niya.

"He's not what you think he is." Saad ni Dane habang nakatingin kay Zylan habang ako naman ay kay Bhea. Kaparehas silang nag-uusap dalawa pero walang kibo si Bhea sa kapatid niya.

"Zylan is a very down-to-earth guy. He is the opposite of Bhea. Wala siyang kahit isang bahid ng sama katulad ng kasama niyang babae. One time, pumunta kami sa bahay nila Bhea for a group project. Una kaming sinalubong ni Zylan atsaka kami pinatuloy sa loob. Wala pa ang parents nila noon kaya siya ang nagbigay sa amin ng juice at ng meryenda. Tinanong niya rin kami kung gusto naming doon na lang kami sa kanila mag-hapunan pero ayaw ni Bhea kaya pinaalis niya na lang kami. All dark things you see in Bhea's personality will dissapear when you look at Zylan's face. As the saying goes, 'Don't judge a book by its cover'."

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon