Chapter 29: Band-Aid

629 18 4
                                    

"Malapit? Sino naman ba tinutukoy ng bruhang 'yun?" Naiiritang tanong sa akin ni Alice. Nandito ako sa loob ng kwarto ni Alyssa kasama siya at si Alice. Si Dane naman ay nasa baba dahil merong pinapanuod na movie kasama ang buong Black Lions. Kakatapos lang ng pasok namin kaya naisipan naming lahat tumambay dito. Kinuwento ko sa dalawang 'to ang nabasa kong sulat kahapon. Dinala ko rin yung sulat kaya pinakita ko ito sa kanila.

"Hindi ko nga alam eh." Sagot ko. Kinuha naman ni Alyssa yung sulat atsaka ito sinimulang basahin.

"Napaka-feelingera naman niya. Maganda daw. Psh. Mas maganda pa nga si Cody sa kanya eh." Wika ni Alyssa atsaka binigay sa akin yung papel. Kaparehas lang kaming tatlo ng naging reaction. Galit, nagtataka at naiirita. Sino ba namang hindi?

"Pero sino nga ba tinutukoy niya?" Pagbabalik ni Alice ng tanong niya kanina. Napaisip kaming tatlo kung sino ang pwedeng sinasabi ni Bhea sa sulat. Hanggang sa dumating na sa point na sinasabi na namin ang mga pwedeng malapit ng dumating.

"Yung lola ko." - Alice.

"Janitor natin." - Alyssa.

"Red flag." - Alice.

"Si Jollibee." - Ako.

"Dati naming yaya." - Alice.

"May-ari ng Goldilocks." - Alyssa.

"Si Daniel Padilla." - Alice.

"......" - Kaming dalawa ni Alyssa. 

Kaparehas kaming napatingin ni Alyssa kay Alice. Si Daniel? Seryoso? Ang lawak naman ng imahinasyon niya para isiping malapit ng dumating.

"Sobra ka na naman sa gamot." Pagbibiro ni Alyssa pero naka-poker face ang mukha.

"No, darling. Malapit na talaga siya." Kinikilig naman na sabi ni Alice habang yakap-yakap ang unan. 

"Oo. Malapit na siyang lumayo sa'yo." Pag-singit ko naman. Trip ko lang biruin si Alice ngayon.

"Kayo naman. Minsan na nga lang ako mangarap tututol pa kayo. Hustisya naman oh." Pagdadrama niya sa amin. Para siyang batang inagawan ng candy. Imbes na maawa kaming dalawa nag-apir na lang kami at tinawanan si Alice. Ang bait namin, di ba? Ganoon talaga kapag totoong kaibigan. Imbes na suportahan pagtatawanan na lang.

"Ikaw naman kasi kung mangarap ka akala mo naman talagang mangyayari. I mean hello langit at lupa ang pagitan niyong dalawa. Napakaimposible talagang matupad iyan. Hanggang poster ka na lang talaga, bes." Pagsampal ni Alyssa kay Alice ng katotohanan.

Ito namang si Alice nasaktan kaya mas tinaasan ang pagdrama. "Che! Hindi niyo kasi alam kung anong pakiramdam ng mangarap. Ang pogi-pogi kaya ni Daniel. Nasa kanya na talaga ang lahat. Hindi tulad kay Dane." Pagkatapos ng paliwanag niya bigla na lang siyang nanlaki ng mata.

"Uh-oh." Gulat na ani ni Alyssa habang tinuturo ang daliri nito kay Alice na parang 'lagot ka'.

Bigla naman akong napatayo. Naglakad ako papunta sa pwesto ni Alice. Siningkitan ko siya ng mata. Para bang may laser na lalabas dito. Ito namang si Alice hindi makatingin ng diretso sa akin. Akala mo naman may makukuhang mga salita sa hangin. 

"Anong sabi mo?" Pananakot ko kay Alice. Moment ko na ito para magalit katulad ni Baby Boy. Yung tipong pwede ng labasan ng usok yung ilong tapos pwede na ring gawing laser beam yung dalawang mata. Iyon na yung ginagawa ko ngayon.

"Uhmm... A-ang sabi ko hindi tulad n-ng Cocaine k-kasi nga bad iyon k-kaysa naman kay Daniel." Nauutal niyang palusot sa akin. Halata namang sobra na siyang kinakabahan kaya tinanggap ko na lang at bumalik sa pwesto ko kanina.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon