Chapter 24: The Fifth Wish

766 20 1
                                    

"Wow! Ang ganda naman dito!" Puri ko sa magandang mansion.

Sinabi sa akin ni Baby boy na dito kami matutulog para raw makaspend siya ng quality time kasama ako kaya naman inikot ko muna yung kabuuan nito. Hanggang 2nd floor lang ito pero sobrang lawak at laki. Aakalain mong nasa isa kang mamahaling hotel.

Kakatapos lang ng Proposal Party at nagsiuwian na rin yung mga dumalo kanina. Ang maingay kaninang mansion ay naging isang tahimik na haunted house tuloy. Dapat nga raw sasama sa akin sila Alice at Alyssa para dito matulog pero sabi ko doon na lang sa mga bahay nila. Sumingangot ang kanilang mukha pero umalis rin sila dahil nga quality time naming dalawa ni Dane ngayong ga---

"Ssshhhh..."

T-teka. A-ano iyong na-naririnig ko? Hindi k-kaya may multo d-dito?

No, Angel! Walang multo dito. Napaparanoid ka lang sa sobrang tahimik ng lugar.

"Ssssshhh..."

Ayun na naman yung tunog. Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Pinilit kong ikutin pa rin ang kabuuan ng mansion kahit na sobra na akong natatakot. Humakbang ako papunta sa susunod na kwarto. Buti na lang at wala na akong narinig pang mga sitsit.

Pinagmasdan ko ang kwarto na kinalolooban ko. Sakto siya para sa isang tao lamang. Kumpleto na rin yung mga kailangan dito. Merong restroom, T.V., kama at isang malaking aircon. Napaupo ako saglit sa kama at nakaramdam ng matinding pagod. Siguro dahil ito kanina. Kaya naman ako napahiga ng diretso at niyakap na lang ang katabi kong unan.

Matutulog lang muna ako saglit.

"SSHHHH!!!"

Ay taeng tinapakan! Ayan na naman siya! Bwiset!

Ang sabi ko matutulog lang ako hindi Rest In Peace.

"SSSSHHHHH!"

Naku, naku, naku! Hindi ko na kaya 'to. Aalis na ako. Aalis na talaga ako. Baka matuluyan pa akong mamahinga niyan eh.

"UMALIS KA NA!!!"

"WAAAAAHHH!!!" Sigaw ko palabas ng kwarto at pababa sa ground floor.

Feeling ko may tumitingin sa akin habang bumababa ako ng hagdanan. Ramdam ko ring may sumusunod sa likuran ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero parang may nakita akong batang babae na nakaupo sa sofa. Galit siyang nakatingin sa akin na para bang gusto niya ako patayin.

Mas minadali ko pa ang pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng mansion. Agad kong hinanap si Dane sa labas. Umikot-ikot ako sa harapan ng mansion at wala akong nakitang Dane dito. Pumunta naman ako sa likuran kung saan nakapwesto ang garden nila. Doon ko lang nakita si Baby boy na nakahiga sa damuhan.

"Dane!!" Sigaw ko sa pangalan niya. Bilis siyang napaupo at tumingin sa akin.

Tumakbo ako sa kinauupuan niya at agad siyang yinakap. Para akong batang inagawan ng candy sa kalye. Ngunit hindi lang candy ang kinuha sa akin kundi pati na rin ang aking kaluluwa. Bwiset na multo 'yun! Balak pa akong kuhanin ng maaga.

"What's the problem, Angel?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Baby Boy. Niyakap niya ako ng mahigpit at ipinatong ang kanyang ulo sa buhok ko. I feel secured. Parang nawala lahat ng takot na nararamdaman ko kanina.

"Wala." Pag-iwas ko sa topic. "Na-miss lang kita." Palusot ko sa kanya at hindi pa rin humihiwalay sa yakap niya.

"Miss kaagad? Para namang pumunta ako ng ibang bansa." Wika niya.

"Basta miss kita." Pag-ikli ko ng topic at humiga. Gumaya na rin si Dane at humiga rin sa damuhan. Tiningnan ko yung itaas at marami akong nakitang mga bituin.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon