Chapter 26: Magkapatid

634 23 1
                                    

"Gusto niya ako. Gustong-gusto niya ako! Mas maganda pa raw ako sa mga dyosa." Pangungulit ko kay Alice habang inaalog-alog ito. Si Angel kumakain lang sa harapan naming dalawa. Sabay-sabay ulit kaming kumaing tatlo ngayong lunch break kaya naman kinuwento ko na sa kanila yung text sa akin ni Marco.

"Alam mo kanina ka pa. Hindi ako makakain sa'yo." Inis na wika ni Alice. Hawak-hawak niya yung burger na binili niya. Pinigilan ko muna ang sarili ko sa pangungulit sa kanya at nakisabay kumain sa kanilang dalawa.

"Patingin nga ng message niya." Saad ni Angel sa akin. Nilabas ko yung phone ko at binigay sa kanya. Binasa niya yung reply sa akin ni Marco kanina. Medyo mahaba pero sulit naman basahin. Lalo na at para sa akin iyon. Ahihi!

"Ang suwerte mo naman," Puri sa akin ni Angel. "Isang torpe pa talaga ang nagsabi sa'yo nito ah." Di makapaniwalang saad niya habang nakangiti.

"Iyon nga lang torpe siya." Singit ni Alice sa usapan at diniin pa ang salitang torpe sa harapan ng pagmumukha ko. Isang katotohanan ang sumampal sa pisngi ko.

"Che! Tumahimik ka nga diyan." Pagsita ko.

"Sorry na." Paumanhin ni Alice ng pabiro. Itong babaeng talaga ito kung anu-anong naiisip na trip.

"Teka nga," Pagtigil ko sa kanilang dalawa. "Nasaan ba si Marco?" Tanong ko sa kanila. Balak ko sanang puntahan siya ngayon para naman masabi niya sa akin ng personalan ang sinabi niya sa messenger.

"Wala siya ngayon." Sagot nilang dalawa.

"W-wala?"

~#***#~

Briana Angel's P.O.V.

Sabay-sabay kaming umalis tatlo sa canteen. Pumunta na ako sa next room ko kasabay si Baby Boy. Nagkasalubong kasi kaming dalawa. Saktong-sakto at kaparehas kami ng papasukan na klase.

"Dane, bakit ba wala si Marco ngayon?" Tanong ko kay Dane. Gusto kong malaman yung sagot niya para naman masabi ko kay Alyssa mamaya kung bakit wala yung torpe na iyon.

"Sabi niya may sakit raw siya." Pagsagot ni Baby Boy. "Bakit mo nga pala natanong?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o tatanungin ko muna sa kapatid niya kung pwede ko ng sabihin sa kanya yung tungkol sa kanilang dalawa ni Marco. Pero siguro naman nasabi na ito ni Alyssa kay Baby Boy. Anong klaseng tao naman ang hindi sasabihin ang admirer niya sa kanyang kapatid?

"May ikukuwento ako sa'yo." Panimula ko. "Basta huwag mong ipagkalat sa iba, okay?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin bilang sagot.

"May sinabi na ba sa'yo si Alyssa tungkol sa kanila ni Marco?"

"What! My sister's in a relationship?" Panic ni Dane. Binatukan ko naman agad siya. Sobra namang overprotective itong kuya na ito. Bawal bang magkaroon ng lovelife si Alyssa?

"Wala ba siyang sinabi sa'yo?" Tanong ko uli sa kanya. Akala ko pa naman na-inform na siya ng kapatid niya.

"Wala." Nagtatakang sagot sa akin ni Baby Boy. Naku, lagot. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung ayaw pala ni Alyssa na malaman ng kuya niya? E di ako pa ang sisisihin niya.

Nag-isip na lang ako ng pwedeng gawing excuse para makaiwas ng topic na ito. "Huwag na lang pala." Saad ko.

"Just tell me, Angel." Pagkukumbinsi niya sa akin.

"Huwag na."

"Tell it to me." This time, inakbayan na niya ako.

"Basta huwag mo na alamin."

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon