Ang Prinsipe at ang Best Friend
Background music: Take Care by Sung Si Kyung
There once lived a Prince who fell in love with an innocent little girl. She was his everything and his world revolved around the young girl he used to call his ‘Princess.’
One day, the Prince and his family had to leave the Castle and go somewhere far. His princess cried her heart out and it broke the prince’s heart but he was helpless—- he was so young that he couldn’t do anything for the young girl he loved so dearly. That’s why before he parted ways with the young girl, he made a promise—- a promise that he intended to keep once their paths cross again.
“Ano ba yan! Ang drama mo naman froglet. Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa sa fairytale! Buti pa tulungan mo na ako dito sa research paper ko kaysa nagfefeeling real life prince ka diyan.” Reklamo ko kay Prince sabay irap habang binabasahan niya ako ng isang librong hindi ko alam kung saan niya kinuha. Nandito kami ngayon sa isang public library para ipagpatuloy ang pagkalap ko ng resources para sa aking research paper, since hindi kami pwede sa University library dahil sa kaingayan namin.
Mula sa pagbabasa ng libro ay ibinaba niya ito sa mesa at bumaling sa akin.
“Saglit na lang ‘to... Ayaw mo bang marinig ang continuation ng kwento?” pakiusap niya at napangiwi ako. Nakakunot ang kanyang noo and he looked like his life depended on the story he was reading. Padarag kong ibinaba ang ballpen na hawak ko sa mesa sabay nagbuntong-hininga at tinitigan siya.
“Froglet, wala. Akong. Panahon. Sa mga. Kachurvahan. Mo. Entiendes? Tulungan mo na nga ako dito, nang matapos tayo ng maaga at gutom na ako.” I said and he pursed his lips tightly. Para bang may iniisip siyang kung ano at sobrang seryoso ng mukha niya.
“Wala ka ba talagang naaala-- I mean, hindi ba pamilyar sa iyo ang istoryang ito? Wala ka man lang bang naramdamang kakaiba nung narinig mo yung kwento? Kahit kaunti?” parang sira niyang tanong sa akin na siyang nakapagpasalubong sa aking mga kilay, naweweirduhan sa mga pinagsasabi niya. Nakaupo siya katapat ko sa kabilang dako ng lamesa, at habang sinasabi niya ang mga iyon ay inilapit niya ang kanyang sarili sa akin.
“Ano bang pinagsasasabi mo? Bakit naman ako makakaramdam ng kahit ano para sa isang istoryang gawa-gawa lang ng kung sinong gustong magpaasa ng mga tao? FYI, hindi ako isa sa mga babaeng naniniwala sa fairytale. Echosero ka. E paano naman magiging pamilyar sa akin yan, e ni minsan hindi pa ako nakapagbasa ng mga ka-chenesang gaya niyan.” Natatawa kong sambit at napabalik siya sa kanyang kinauupuan. Mukha siyang bigo, bumagsak ang kanyang mga balikat sa sinabi ko. Napayuko siya at parang may kung anong lungkot sa kanyang mga mata.
“Ganoon ba? Akala ko lang kasi… Wala, kalimutan mo na nga lang. Sige, akin na yan, tutulungan na kitang magresearch.” He muttered, averting his gaze, sabay kuha sa iilang mga librong nasa mesa namin. He forced a smile, not even bothering to look at me. Pinagmasdan ko siya, nalilito sa ikinikilos niya.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Para bang isa siyang Prinsipeng puno ng misteryo.
“Huy! Okay ka lang ba? Disappointed ka ata e…” I queried after a few minutes. Saglit siyang sumulyap sa akin bago muling bumalik sa pagbubuklat ng libro at pagsusulat. Para bang masakit akong pagmasdan kaya hindi niya man lang magawang tumitig sa aking mga mata ng diretso.
“Guni-guni mo lang yan Miss Sungit. Bakit naman ako madidisappoint? Wala naman akong karapatan…” tugon niya, ang huling pangungusap ay pabulong niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.