This chapter is gonna be long kasi di ko pwedeng putulin. Then I'll try to update as soon as I can kung makapagsulat pa ako mamaya.
Background music: The One I Love (Super Junior KRY)
Something lost and Something found
What's the opposite of love?
This is it. Finally. :p hihi. ~('v'~) kaunti na lang panay kiligers na. char. Kana and Kanon's POV ang chapter na ito.
Kana...
Kana...
Kana gising na...
Dinig kong tawag ng isang pamilyar na boses ng babae sa akin dahilan para maalimpungatan ako. She sounded like an angel— ang anghel ng buhay kong laging nariyan para sa akin. Kahit na inaantok pa ay pinilit kong gumising. I slowly opened my eyes and squinted, only to be greeted by the angelic face of the woman I love. Ang kanyang mukha'y napapalibutan ng sinag ng araw, ang kanyang mga ngiting walang sintamis.
Napatitig ako sa kanyang mga labi— kung pwede ko lang sana siyang halikan.
Kung akin siya... kung akin siya ay hindi ako magsasawang halikan siya araw-araw, at gabi-gabi. Kaso, hindi.
"Good mooorrrning, bespren!!!! Bumangon ka na diyan at aayusan pa kita. Kailangan mas gwapo ka kay Stuart." Masayang bati ni Kanon sabay hinawi ang kumot na nakatalukbong sa akin at hinila ako paupo ng kama. Nakasuot siya ng isang floral summer dress na above the knee at kaunting lip gloss sa kanyang labi. She looked lovely as usual, at gustung-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Good morning din Bab— este bes... pren." Mahina kong bati, my voice raspy. Tipid akong ngumiti sa kanya at nag-iwas ng tingin. Muntik na akong madulas at muntik ko na siyang matawag na 'babe'.
"Ligo ka na Kana. Tanghali na kaya! Grabe, tulog mantika ka talagang payatski ka! Tumayo ka na diyan, ang kupad mong kumilos. Kung ako si Sarah matuturn off talaga ako sa 'yo." Pangungulit niya habang pilit akong pinatatayo, ang isang kamay niya ay nasa kanyang baywang.
Kung alam mo lang sana na ikaw na ang mahal ko... I'm so sorry Kanon. So sorry for always being an a**hole when it comes to you. Bulong ko sa aking sarili.
Tinatamad akong tumayo at nagtungong banyo habang si Kanon naman ay sinusundan lang ako ng tingin na para bang naniniguradong maliligo na ako.
"Huwag mong kalimutang magtoothbrush! Bad breath ka na." paalala ni Kanon nang nasa may pintuan na ako ng banyo at napailing na lang ako at napangisi.
"Opo, ma'am!" tugon ko bago tuluyang sinara ang pintuan ng banyo.
Hayyy... I wonder if I'm doing the right thing... Tama ba talagang pakawalan kita without fighting for what I feel for you? I thought. Malungkot na lang akong napangiti at napasinghap sa loob ng banyo.
Pagkatapos kong magshower at makapagbihis, ay agad na akong lumabas ng banyo habang pinupunasan ang aking buhok ng tuwalya na nakasabit sa aking batok. Paglabas ko ay nakita kong naroon pa rin si Kanon at nakaupo sa dulo ng kama. Nag-angat siya ng tingin nang napansing tapos na ako sabay tumayo sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.
"Nandito ka pa? Hinintay mo ako?" tanong ko habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Kinuha niya mula sa akin ang tuwalya ko at siya na mismo ang nagpunas sa aking basang buhok. Yumuko ako ng kaunti para hindi na niya kailanganing tumingkayad pa.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.