TBR 26
Author's note: Abangan ang marami pang rebelasyon... at abangan si Shino at si_____ secret :P kapag ginanahan ako magawan nga rin ng separate story si Shino at si _____. Hihi.
Background music: Bakit Ngayon (Julie Anne San Jose) >> love her voice. Talented si bagets.
"Easy guys... Kalma lang mga pre! Sa pasukan niyo na ituloy 'yang away ninyo." Pag-aawat ni Mike sa dalawang lalaki, sabay tapik sa tag-isang balikat ni Kana at Prince.
Heto ako, sa gitna ng dalawang nagkakainitang lalaki sa may parking lot, ang aking magkabilang kamay ay hatak-hatak ng dalawang mokong. Gawin ba raw akong tug o' war?
"Manahimik ka diyan Mike... This is between me and that bastard right there!" sikmat ni Kana kay Mike nang hindi bumibitaw sa masamang titigan nila ni Prince. Napakamot na lang sa kanyang sentido si Mike habang umismid naman si Prince.
"Tsk... Kung makapagsalita ka, parang ako ang kontrabida dito. Look at yourself in the mirror first bago mo ako tawagin ng kung anu-anong pangalan, you scumbag!" birada naman ni Prince at lalo pang tumalim ang mga titig nila sa isa't isa. Sa sobrang talim ng mga tinginan nila ay kulang na lang makalikha sila ng kuryente sa pagitan nila.
If you're wondering kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, isusummarize ko na lang sa inyo ang mga ganap kanina...
Ganito kasi iyon, matapos ng aming makabagbag-damdaming harutan at landian ni Prince kanina, pabalik na sana ako sa aking suite kasama si froglet nang makasalubong namin sina Kana na kakagaling lang sa talyer. As usual, doon pa lang, nagkainitan na naman ang dalawa. Sinabi sa akin ni Kana na ayos na ang van at pwede na kaming makauwi ngayong hapon as scheduled kaya nag-empake kaagad ako ng aking mga gamit at hinayaan silang magbangayan doon sa may labas ng aking suite.
Akala ko tapos na silang magtalo pero natapos na lang ako at lahat sa pageempake ay naroon pa rin sila sa labas ng pinto ko at nagpapalitan ng maaanghang na salita. Buti na lang at nandoon sina Mike kung hindi ay baka nagrambulan na naman sila. Siguro kung hindi ko pa sila pinagbabatukan dalawa ay hindi pa sila aalis doon para makapag-empake na rin sila ng mga gamit nila.
Nang makaayos na sila ng kanilang mga gamit, nagresume na rin ang pagbuntot nila sa akin at pag-aaway, hanggang sa pinag-agawan na nila ako at kung kanino ako sasabay pauwi. Haissttt...
"Uhmmm... Hello guys? Nasa gitna niyo ako? Kung gusto niyong magsuntukan pwedeng pakawalan niyo muna ang mga kamay ko? Mga leche kayo! Ngawit na ngawit na ang mga braso ko, nagawa niyo pang magtitigan ng matagal diyan! Ano'ng tingin ninyo sa akin? Lubid?" I scowled, getting everyone's attention. Buti naman at mukhang natauhan ang dalawang barako at dali daling binitawan ang mga kamay ko. Sabay pa silang maagap na lumapit sa akin, ang kanilang mga mukha'y puno ng pag-aalala.
"Ayos ka lang ba?!" sabay na sabi ng dalawang ugok, habang minamasahe, at iniikot-ikot ko ang ngawit na braso ko. Nagkatinginan sila, at heto na naman ang matatalim nilang paninitig sa isa't isa.
"Pwede ba? Umalis ka na nga! Bakit ba ang epal mo, ha?! Sa akin sasabay si Kanon!" bulyaw ni Kana.
"Bakit hindi na lang ikaw ang umalis? Ano? Gusto mong pagsabayin si Kanon at ang ex mo? Hindi naman ako makakapayag--" tugon ni froglet na di niya na ituloy nang biglang sumabat si Sarah.
"H-hindi kami! Hindi naman... Hindi pa kami ulit." Nanghihinang singit ni Sarah sabay ngumiti ng malungkot at nag-iwas ng tingin. Kung dati asar ako sa kanya, ngayon naman, sobra akong naaawa. Minsan ko na rin kasing napagdaanan ang ganyan-- ang magmahal ng taong di ka gusto.
"See? Siya na mismo ang nagsabi! Hindi kami, at hindi ko sila pinagsasabay ni Kanon. Kaya back-off!" Kana smirked at napabuntong hininga ako. This time, ako naman ang tumingin sa kanya ng masama na ipinagkibit balikat niya lang.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.