TBR 60: That Moment
Background: A Moment To Remember OST (Piano)
Mahal kita. Pwede bang ako na lang?
He said he loves me, at hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nalunon ko ang aking dila ng mga oras na iyon.
At heto ako ngayon sa aking kwarto't paulit ulit na inaalala ang nangyari kaninang hapon.
"Siguro ay karma ko ito... Tama. Karma ang tawag diyan Kanon." Bulong ko sa aking sarili.
Ngayon alam ko na kung gaano kabigat sa pakiramdam kapag may nagtapat sa iyo ng pagmamahal pero hindi mo naman magawang suklian o tugunan.
Siguro ganoon din ang naramdaman ni Kana sa tuwing ginugulo ko ang mundo niya. Masyado kong ipinagsiksikan ang sarili ko sa kanya kahit alam ko namang kahit kailan...
Hindi niya ako magagawang mahalin.
Iyon marahil ang isa sa mga bagay sa mundong ito na hindi mo maaaring ipilit-- ang mahalin ka rin ng taong mahal mo.
Tanging pagtanggap na lang ang magagawa natin para sa pag-ibig na one-way lang.
Because Love makes us accept the unacceptable.
It makes us... but at the same time... Love also breaks us.
Haaayyyy...
"Itulog mo na nga lang iyan Kanon." Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at pilit na natulog ng gabing iyon.
Kahit na ba...
Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Prince ng mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.