TBR 37
Background: Sa 'yo Na Lang Ako by Karylle
Memories of You My Love...
:')
Para sa taong nagbigay sa akin ng kakarampot pero di malilimutang mga sandali... Mga sandaling kung pwede ko lang sanang balikan. Mga pintig na minsan ko lang nadama... Para sa taong minsan lang sa buhay ko nakilala.
Para sa iyo ito...
Salamat kasi sa maikling panahong nakilala kita, tumibok ng husto ang puso ko... Kahit minsan lang sa buhay ko. Kahit na saglit lang... Kahit hiram lang iyong panahon...
Kanon
Pag-ibig...
Minsan biglaan...
Minsan naman nabubuo over time...
Isang salitang hindi mo masabi kung kailan kakatok sa pintuan ng puso mo.
Isang salitang madarama mo sa oras na magkrus ang landas ninyo ng taong... Isang taong pangkaraniwan naman, pero sa di malamang kadahilanan ay nagiging espesyal sa paningin mo.
It was an ordinary day... A typical morning when I met him months ago.
Or so I thought...
Hindi ko lubos maisip na ang lalaking nakabanggaan ko sa hallway ilang buwan na ang nakakalipas ay mamahalin at minahal ko pala ng higit pa sa buhay ko.
"Good morrrrrrniiiiiiiinnnnnng Darling!!!!!! Mmmmmmmhuuuuahhhh! Namiss kita!" pambungad kaagad ng ubod ng lambing kong boyfriend sabay akap at halik sa akin. Di ko tuloy mapigilang matawa dahil sa kakulitan niya.
Nandito kami ngayon sa clubhouse ng village namin dahil nasa bahay ngayon ang aking mga magulang at iniiwasan kong makita nila si Prince. Tanging si Kuya Shino pa lang ang pinagsabihan ko na magboyfriend na kami ng froglet ko.
Ewan ko ba... Pero simula ng bahagya akong nakaalala ay mas kumportable akong si Kuya Shino lang ang sinasabihan ko ng mga bagay-bagay na may kinalaman kay Prince. Hindi ko pa naman sinasabi sa kanyang medyo nakakaalala na ako. Sa totoo lang, ay wala pang nakakaalam na may natatandaan na ako. Mas okay na rin siguro iyong ganito. Hangga't hindi ko pa matandaan kung bakit kami nagkahiwalay ng boyfriend ko noon ay mas mabuting tumahimik na lang muna ako.
"Ikaw talaga! Bakit ang sweet mo? Namiss din kita froglet ko... Ang aga-aga kinikilig tuloy ako!" pabiro kong hinampas ang dibdib niya habang nakakulong ako sa kanyang mga bisig. I tilted my head up to glance at my man and grinned at him.
Ang gwapo, gwapo talaga ng boyfriend ko... Haayyyy... Anong sinabi nila Brad Pitt at Leonardo de Caprio sa Prince ko? Hihi.
"Of course! Baka ipagpalit mo pa ako sa iba kaya kailangang maging mas matamis pa ako sa asukal. Effective ba? Labyu!" tugon niya sabay kindat and I chuckled. Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at ninamnam ang sandaling kayakap ko siya.
"Sobra pa sa effective! Labyu too froglet... Sana pwede kitang yakapin habang buhay. Hayyyy..." I muttered against his chest, loving the sound of his heart beat.
I heard him snigger because of what I said, and then, he kissed the top of my head, at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"Pwede naman Darling e... Pwede mo akong yakapin habang buhay. Iyong-iyo ako." He sweetly mumbled against my hair and I couldn't stop giggling. He made me feel all giddy inside.
"Promise?"
"I don't make promises Princess... Mas gusto kong ginagawa at pinapakita na lang ang mga sinasabi ko." Sabi niya and I felt so lucky to have a man like him.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.