Chapter 34

687 9 1
                                    

TBR 34

Reminisce Second to the Last Part... (hopefully :P)

My lips are sealed :p

Kana

"Correct me if I'm wrong, Pre. You mean to say, ikaw talaga ang first love ni Kanon pero because you were an asshole, napunta siya kay Tantoco? Whoaahhh... So parang 'history repeats itself' lang ang peg ninyong tatlo? Sakit niyan Pre!" parang nanunuyang bulalas ni Mike, napapailing, dito sa bar kung nasaan kami. Hindi ko na lang pinatulan ang mapang-asar niyang sinabi kahit na gusto ko siyang batukan. Tumango ako sa kanya habang nakatitig at pinaglalaruan ang aking shot glass.

"I know, right? Di mo na kailangang ipamukha sa akin..." malamig kong tugon sabay laklak na naman ng alak. Bigla namang sumeryoso si Mike at napabuntong hininga. Kinuha niya ang shot glass mula sa aking kamay, nagsalin ng alak doon, at siya naman ngayon ang uminom.

"Mahal mo talaga 'no Pre? Halata e..." he muttered matapos inumin ang alkohol sa shot glass habang seryosong nakatingin sa akin. My shoulders drooped, at napayuko dahil sa tanong niya.

"Oo Pre... Yung tipong hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagkabaliw sa kanya..." pagod kong saad.

"Iyon naman pala e! E di sagarin mo na! Ipaglaban mo hanggang dulo Pre!"

"Hindi iyon ganoon kadali Mike... Mahirap din kasi sa part ko dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang naaalala tungkol sa lahat ng nagawa ko. Naguiguilty pa rin ako Mike..." naiiyak kong sambit sabay hilamos ng aking mga palad sa aking mukha.

"Ano ba kasing ginawa mo noon Kana? Bakit ba ganyan na lang katindi yang guilt mo? Ganoon ba talaga kagrabe para magkaganyan ka? You know you can trust me." He queried, and I glanced at him, my jaw clenching.

Napakurap-kurap ako and swallowed the lump that had formed in my throat, nahihirapan balikan ang mga naganap ng araw na iyon. Hindi ko alam kung paano o kung saan ko sisimulan...

Ang kwento ng nagdaang humigit kumulang apat na taon...

It was a stormy day, at suspendido ang mga klase sa paaralan dahil sa mataas na storm signal. Isang buwan na rin ang lumipas noong tumungong Amerika si Tantoco at ang pamilya niya. Simula ng umalis siya ay lagi ng matamlay si Kanon. Sa tuwing sinusubukan ko siya o ng kahit sinong kausapin siya, ay para siyang laging wala sa sarili.

Nagkataong kinailangang umalis ng parents ni Kanon that day para suportahan si Kuya Shino sa National Quiz bee na sinalihan nito na ginanap sa Baguio. Kaya naman pinakiusapan nila akong samahan si Kanon.

"Kanon, saglit na lang 'tong niluluto ko tapos kakain na tayo." I told her, dinungaw siya mula sa kitchen area, pero hindi man lang niya ako nilingon. Nakatutok lang siya sa telebisyon at nanonood ng balita. She was sitting comfortably in the couch kaharap ng TV habang yakap-yakap si Kermit na stuffed toy niya.

Sa mga nagbabagang balita... Klase, sinuspinde sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan. Atom A. nag-uulat

I heaved a sigh habang pinagmamasdan ko ang likuran niya. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong malungkot siya at iniisip na naman ang kumag na iyon. Damn!

...Dumako naman tayo sa showbiz news. Narito si Gretch P. para mag-ulat...

...Salamat Ted. Para sa showbiz balita... Sikat na Pinay Supermodel na si Monica Schulz napapabalitang engage na sa anak ng isang sikat na business mogul. Narito ang interview ni Mario D. panoorin ninyo...

"Dinig kong sabi sa balita na siyang umagaw sa atensyon ko. Nangunot ang noo ko at naningkit ang mata habang inaabangan ang interview ng nasabing model. Naramdaman ko naman na parang medyo napatayo si Kanon sa kanyang kinauupuan.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon