Chapter 13

1.5K 14 0
                                    

Simulan Natin ang Wakas

 

“Kana, ano pa bang inaarte mo? Heto na nga ako at nagbibigay ng solusyon sa problema mo, choosy ka pa?”  nakangiwi kong tanong kay Kana habang nakahalukipkip dito sa likuran niya. Kanina ko pa siya sinusundan sa paglalakad sa loob ng campus. Paano ba naman kasi, nang sinabi ko sa kanya ang plano ko, ayaw niyang pumayag.

Bigla siyang huminto sa paglalakad dahil sa sinabi ko at umikot para harapin ako. Bahagya tuloy akong napaatras dahil sa biglaan niyang paghinto. He looked serious and heaved a sigh.

“Kanon, alam mo ba iyang sinasabi mo? Hindi. Isang malaking hindi! Look, bestfriend kita at tinetreasure ko ang pagkakaibigan natin. Sa tingin mo ba ganoon na ako kadesperado para gamitin ko ang matalik kong kaibigan?” nakakunot-noo niyang saad and I smirked.

“Oo.”  Pilosopo kong tugon habang nakangisi, and his shoulders drooped sabay napailing.

“Nasisiraan ka na—“ saad niya sabay talikod sa akin na hindi niya na nadugtungan nang maaninag ang paparating na si Sarah at ang kanyang mga alipores. Natigilan siya at halatang hindi malaman ang gagawin. Nagsalin ang tingin ko mula kay Kana at Sarah, and on impulse ay hinila ko si Kana. Tumingkayad ako at inabot ang kanyang mga labi. Hinalikan ko siya kahit na hindi ko alam kung paano. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko at papalag pa sana pero kinapitan ko ang harap ng kanyang damit ng mahigpit, not breaking the kiss.

“Ano bang ginagawa mo Kanon?” he mumbled habang magkalapat ang aming mga labi. Kita ko na sa gilid ng aking mga mata ang papalapit na grupo nila Sarah na mukhang hindi pa kami napapansin.

“Sumakay ka na lang… Akong bahala sa ‘yo.” I mumbled back against his lips.

Muli kong sinilip sa gilid ng aking mga mata sina Sarah at nakitang nakatingin na sila ngayon sa amin. Nagbubulung-bulungan ang mga alipores niya sa kanyang likuran at nakangiwi habang pinagmamasdan kami. Habang si Sarah naman, ay mariin na nakatikom ang bibig at nakakuyom ang mga kamay. She looked pissed habang pinapanood kaming naghahalikan ng ex niya.

Napatingin sa kanya si Kana at aambang bibitaw na naman sa halik but I didn’t give him a chance. I cupped his face at iniwas ang mukha niya mula sa direksyon ni Sarah. Mas lalo ko pang diniinan ang halik at ipinulupot ang aking mga kamay sa leeg ni Kana. Napahawak naman si Kana sa aking baywang.

Ilang saglit pa ay narinig kong nanggigigil  na nagwalk-out si Sarah at ang mga kaibigan niya. Agad akong bumitaw kay Kana pagkaalis nina Sarah.

Hingal na hingal kaming pareho dahil sa walang bitawang halik. Napatakip siya sa kanyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay, at bahagya akong napatawa. He looked violated, na para bang namantsahan ko ang kainosentehan niya kahit na ako naman ang virgin sa aming dalawa.

“Bakit mo ginawa iyon?! Tignan mo tuloy, mukhang lalo pa siyang nagalit sa akin!” sikmat ni Kana sa akin na pinagkibit-balikat ko lang. Umarte akong naririndi ang tainga, ang aking isang daliri ay pinasok ko sa kanang tainga ko.

“Pwede ba kumalma ka Kana… Chill… Wala ka bang tiwala sa akin? You know my loyalty’s on you. Hindi ko naman ginawa ng walang dahilan iyon ‘no…” pairap kong saad kay Kana habang nakapamaywang ang isang kamay.

“E, ano namang klaseng dahilan ang meron ka aber? Sinong nasa katinuan ba naman ang manghahalik na lang ng ganoon at sa harap pa ng— ng ex ko!” napalunok niya namang bulyaw at walang gana ko na lang siyang pinagmasdan.

Sa tingin mo ba ay gusto ko ito? Sa tingin mo ba hindi masakit sa akin ang halikan ka kahit na kitang-kita sa mukha mong ayaw mo sa mga halik ko? I thought.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon