Ang Prinsipe ng mga Froglet…
Background music: You are in love by Taylor Swift. (pakinggan niyo sa iTunes)
“Kanon, wait!” tawag ni Kana sa akin nang naabutan ako sa aking mabilis na paglalakad. Isang buwan na ang lumipas simula ng naging sila ni Sarah at simula ng naging opisyal akong miyembro ng Musikat. Isang buwan ko na ding pilit iniiwasan si Kana. Sa tuwing pumupunta siya sa bahay ay nagpapanggap akong tulog na o di kaya ay busy sa paggawa ng kung anu-anong projects. Bihira naman kaming magkasalubong sa school dahil magkaiba ang building ng mga klase ko sa kanya, at kung makita ko naman siya ay agad akong nagtatago para hindi kami magkasalubong. Buti na lang din at naging busy ako sa club activities sa Musikat kaya kahit papaano ay nakakalimutan ko ang tungkol kay Kana.
“Uy, ikaw pala Kana… Bakit, may kailangan ka?” kaswal kong sagot, trying to sound indifferent at tipid na ngumiti sa kanya. Seryoso niya naman akong pinagmasdan na para bang may hinahanap siya sa aking reaksyon.
“Iniiwasan mo ba ako?” walang pasubali niyang tanong sabay nagbuntong-hininga at napawi ang pilit na ngiti sa aking mga labi.
“Bakit naman kita iiwasan—“ sagot ko na naantala dahil sa pagtawag ni Sarah.
“Babe! Halika na! Malalate na ako sa next class ko. Pabayaan mo na nga iyang best friend mo. I’m sure busy iyan. Hindi ba, miss… Miss— ano nga ba ulit ang name mo? Sorry ha, ang weird lang kasi ng name mo kaya I can’t remember.” maarte niyang ngawa sabay natawa pagkatanong ng pangalan ko, and Kana hissed. Nilingon siya ni Kana at tinignan ng matalim pero pinagkibit balikat lang ito ng bruhilda. Gusto ko siyang patulan at sabunutan kung hindi ko lang talaga best friend ang boyfriend niya. Kinuyom ko na lang ang aking mga kamay, nagpipigil na masapak ang bruhilda.
“Will you please shut up, Sarah? Saglit lang, maghintay ka.” galit na utas ni Kana kay Sarah saka muling bumaling sa akin and smiled apologetically.
“Sorry… Pagpasensyahan mo na si Sarah. Ganyan lang magsalita iyan. Anong oras ang uwi mo? Ako na ang maghahatid—“ alok niya na agad kong tinanggihan.
“Hindi na… Hindi mo na ako kailangang ihatid mamaya. May— may group project kami sa— sa Chem! Tama! Sa Chem kaya pupunta kami sa bahay ng kaklase ko. Sige na… Mukhang naiinip na ang girlfriend mo. Salamat na lang…” iling ko at ngumisi na lang sa kanya para ipakitang ayos lang ako. Kahit miss na miss ko na siya ay mas minabuti ko na lang na umiwas dahil alam kong masasaktan lang ako. Pagbalibaliktarin ko man kasi ang mundo alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin kahit na mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan.
“Pero—“ aangal pa sana siya but I shushed him by placing a finger against his lips.
“No buts… Sige na, lakad na bago pa kita sipain diyan!” biro ko and he pursed his lips tightly.
“Babe! Ano ba?!” reklamo ni Sarah at nilingon ko siya ng saglit bago bumaling kay Kana at tinapik ang kanyang balikat. Nginitian ko lang siya bilang paalam bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa aking classroom.
———♫———
“Good morning, Miss Sungit! Oh, bakit nakabusangot ka diyan? Malayo pa ang mahal na araw ah pero mukhang biyernes santo ka na diyan. May problema ba?” pang-uurirat ng echoserong palaka matapos umupo sa katabing silya ko, habang nakapangalumbaba ako at pinaglalaruan ang lapis sa aking mga daliri. As usual, hyper na hyper na naman siya at ako na naman ang naisipan niyang bulabugin.
“Whatever. Tse! Dun ka nga! Bakit ba tabi ka ng tabi sa akin? Alam kong maganda ako and hindi mo maresist ang beauty ko pero sorry ka na lang… Hanggang tingin ka lang.” maarte kong pagtataray na may halong biro and he sniggered. Napatawa na rin ako ng mahina dahil sa sinabi ko. Hindi naman talaga ako GGSS and I truly meant my last statement as a joke. Ewan ko ba kung bakit pero everytime this froglet over here is around, I have this urge to be playful and joke around. Ang babaw din kasi ng kaligayahan ng Prinsipeng ito at kahit anong sabihin ko ay natatawa siya. Ako naman parang sirang natutuwa kapag sinasakyan niya ang mga biro ko.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.