Chapter 17

1.2K 12 0
                                    

The Forgotten Piece

 

Background music:

First Part: Di Mapaliwanag by Morissette Amon pa rin :p

Second Part: My Memory (Winter Sonata OST)

Naiiyak ako :') tissue please.

 

Patikim lang. Kaunting silip bago ang... secret :p

 

Tadhana... Madalas mapaglaro, at sa una ay mahirap tanggapin. It was the summer of my 11th year of existence  here on earth when I met her— the sweet yet fragile girl na unang tingin ko pa lang ay gusto ko ng protektahan. Her name was Kanon, and I used to call her 'princess'. Ang prinsesa ng buhay ko mula noon... at magpasahanggang ngayon. If there's something constant in my life, that would be my love for her— Ang pagmamahal na minsan naming pinagsaluhan... Ang pag-ibig na ngayo'y ako na lang ata ang nakakaalala.

Ngunit... Kahit na ilusyon na lang para sa kanya ang lahat ngayon... Heto pa rin ako, naghihintay, at hindi magawang bitawan siya. Umaasa para sa pagkakataon, waiting for another shot— na maangking muli ang puso niya. I had been a rebound before, and I'm more than willing to be one again, if that's what it takes to make her mine again.

 

It's the day before the much-awaited long weekend, and Kanon decided to spend her day at the campus. Wala naman talaga siyang klase for today, pero bigla niya na lang naisipang maglakad-lakad sa loob ng unibersidad.

It was a sunny and windy day,  putting Kanon into a much better mood kahit na alam niyang magiging mabigat ang mga susunod na araw.

Araw na lang ang bibilangin mo Kanon... At malaya ka na... she murmured to herself habang tinatahak  ang mapunong daan sa loob ng campus.  Napangisi siya but unlike the past few weeks kung saan may halong lungkot ang kanyang mga ngiti,  ngayon ay magaan ang loob niya.  It was a smile of acceptance para sa pag-ibig na  tuluyan niya ng bibitawan.

Umihip ang malakas na hangin at hinayaan lang ng dalagang alunin ang kanyang nakalugay na buhok, ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran at bitbit ang isang maliit na purse.

Then... Once again... He suddenly appeared right beside her, at sinabayan siya sa kanyang paglalakad.

"Ang lalim ng iniisip natin ngayon, ha? Musta?" Prince asked, with a grin, and Kanon made a quick side glance at him bago muling tumingin ng diretso sa daang tinatahak.  Napansin ng binata ang magandang mood ng dalaga, making him more curious.

"Para ka talagang kabute. Bigla ka na lang sumusulpot. " natatawang sambit ng dalaga habang patuloy sa paglalakad, at ngumuso ang echoserong prinsipe— nagpipigil ng ngiti.

"Ayaw mo? Alis na lang ako."  Kunwaring pagtatampo nito at aambang tatalikod na nang biglang pumunta si Kanon sa harapan niya, stopping him in his tracks.

"Joke lang." masayang sambit ng dalaga sabay nag-peace sign sa binata, and he couldn't help but grin from ear to ear. Napangisi rin ng husto ang dalaga,  happy that she was able to make the froglet Prince smile.

Napakagat labi ang binata at nag-iwas ng tingin, pilit pinipigilan, ang kilig na nadarama para sa kanyang prinsesa.

"Uy, Kinikilig siya! Miss mo ko 'no?" biro ni Kanon, being her usual self, at napatingin si Prince sa kanya.  Wala naman itong paligoy-ligoy na sinagot ni froglet, wanting to be as honest as possible.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon