Chapter 52: Reset

424 3 0
                                    


TBR 52

Pakibasa na lang din ang chapters 24 and 31 dahil nagcocoincide ang chapter na ito doon (that is, kung hindi niyo pa nabasa ang chapters na iyon).

Minsan ang sarap ng sumuko ano? ;( That's what I'm feeling right now. Iyong pakiramdam na nag-iisa ka lang... Lagi na lang... Nakakasawa na...


Chapter 52: Reset


Huwag ka ng umasa.

Ni sa hinagap hindi kita magugustuhan!

Umalis ka na!


Iyan ang mga katagang natamo ko mula sa pagmamahal ko sa aking kababatang hindi ko alam kung kailan ko sinimulang mahalin.


People call it puppy love...


Pero para sa akin...


It was more than just a childhood infatuation.


Kahit na bata pa ako noon...


Sigurado ako...


Sa puso ko...


Minahal ko talaga si Kana.


Ngunit...


Nagbago ang lahat simula ng araw na iyon.


"Here, you can use my handkerchief if you want." Ngisi sa akin ng isang batang lalaking mukhang ka-edaran ko habang inaalok sa akin ang panyo niya.

Mula sa pag-iyak ay pinalis ko ang aking mga luha sa aking pisngi at nag-angat ng tingin sa lalaking hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil sa pagtama sa kanya ng matingkad na sinag ng araw.

Kahit na nag-aalangan at nahihiya ay tinanggap ko ang panyong inalok niya, at nauutal na nagpasalamat.


That was the start of everything...


After that fateful incident, hindi ko na ulit nakita ang batang lalaki. Ni hindi ko man lang natanong ang kanyang pangalan, o nasauli man lang ang kanyang panyo.

He left even before I was able to hand him back his handkerchief.

I was so broken that day na huli na bago ko maisip na hanapin siya.


Akala ko iyon na ang una at huling pagtatagpo namin noong batang lalaki...


Akala ko noon, hanggang doon na lang ang parte niya sa kwento ng buhay ko...


Pero nagkamali ako...


Dahil ang inaakala kong isang aksidente at panandaliang pagtatagpo lamang...


The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon