TBR 62
"Sorry... Sorry Kanon. Please forgive me! Please give me another chance. I want a fresh start with you. Please, hayaan mong pumasok akong muli sa buhay mo."
Pagsusumamong kay tagal kong inasam mula sa taong kay tagal kong hinangad na lingunin din ako.
Finally...
napansin niya rin ako...
Sinubukang habulin...
Sinubukang bawiin...
I should be happy, right?
Kasi, simula pa lang, iyon naman talaga ang gusto ko.
Lahat naman ata ng nagmahal at nasaktan ay iyon ang inaasam-- Ang habulin din ng taong minsan silang binalewala.
Kahit mayroon namang nandyan sa ating tabi ay pilit pa rin nating ipagsisiksikan ang sarili natin sa taong mahirap abutin.
Sa sobrang pagkahibang natin sa taong nagmistulang obsession na natin, hindi natin namamalayang nagiging katulad na natin sila-- nagiging katulad na natin sila sa pagbabalewala sa mga taong tunay na nagmamahal sa atin.
'Mahal ko o mahal ako?' ang sabi sa kanta.
Hindi ba pwedeng pareho?
Hindi ko ba pwedeng mahalin ang taong mahal ako?
'You don't know what you have till it's gone.' Ika nga nila, at napatunayan kong tama nga ang kasabihan.
~~~~~~~~
"Baby, hanggang kailan mo balak magtago?" Kuya asked habang nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pintuan ng aking kwarto.
Napahinto ako sa paggawa ng aking homework sa aking study table. napapikit ng mariin. buntong hininga. at halos mabali ko na ang hawak kong lapis sa higpit ng kapit ko roon.
"I'm doing 'us' a favor Kuya..." I muttered, jaded, bago muling nagpatuloy sa aking pagsusulat.
Ni hindi ko magawang tapunan ng tingin si Kuya, dahil ako mismo ay tila naguguluhan sa aking nadarama.
Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Kuya bago naramdaman ang paglapit niya sa akin.
He patted my head. Pagkatapos ay ipinahilig niya ang aking ulo sa kanyang bandang tiyan habang patuloy sa paghaplos sa aking buhok.
"Kanon, I know you're confused. And you're obviously running away. That's not doing someone a favor, Baby. That's doing 'yourself' a favor. And you know what? By doing that, in the end, hindi lang iyong dalawang lalaking involved ang masasaktan-- ikaw. You'll break yourself in the process, and I don't want that to happen to you, Baby. Harapin mo kung ano mang nasa puso mo, Kanon. Stay true to your feelings." Payo ni Kuya Shino sa akin, at hindi ko na naitago pa ang agam-agam sa aking dibdib na ilang buwan ko na ring kinikimkim simula nang gabing sabihin sa akin ni Kana'ng gusto niyang magsimula kaming muli.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.