Chapter 1

7.2K 57 1
                                    

All rights reserved. @milfeau1028

Disclaimer: This is not a wholesome story. May contain explicit language, and scenes. 

Guidance is recommended.

Best Friend

Love is patient...

Love is kind...

Love does not envy or boast...

It is not arrogant or rude..

It does not insist on its own way...

It is not irritable or resentful;

It does not rejoice at wrongdoing,

But rejoices with the truth.

Love bears all things,

believes all things,

hopes all things,

endures all things.

Love never ends.

-1 Corinthians 13:4-8

Musmos pa lamang ako ay ito na ang paulit ulit kong binabasa sa bibliya. Isa ata ito sa mga pinakapaborito kong parte sa Bible na siyang naging patnubay ko pagdating sa pag-ibig— sa pagmamahal. 

Noon, hindi ko pa gaanong naiintindihan ang bawat katagang nakasaad sa mga bersikulong ito. Masyadong malalim at makahulugan para sa murang pag-iisip ng isang musmos. Siguro ganoon talaga kapag bata ka at nagsisimula pa lang mabuo ang konsepto mo tungkol sa pag-ibig. Hindi ko sukat akalain na darating pala ang panahon na susubukin ako ng pagkakataon— na darating pala ang panahong kakailanganin ko ang mga katagang nakasulat sa mga bersikulong ito para sa pag-ibig na hindi ko alam at hindi ko sigurado kung saan ako dadalhin, kung saan ako tatangayin. 

Hanggang saan nga ba ang kaya kong tiisin? Hanggang kailan nga ba ako kakapit? Kaya ko pa bang kumapit? Kumapit para sa pag-ibig na hindi ko alam kung tama pa ba? Para sa pag-ibig na hindi ko sigurado kung dapat ko bang wakasan?

"Huy!" bulyaw ng isang pamilyar na boses sa aking tainga matapos nitong tanggalin ang earphone ko.

"Huy ka rin! Leche ka naman oh... Late ka na nga, ang kapal pa ng kachichas mong manggulat diyan! Balak mo bang basagin ang eardrum ko?!" galit kong tugon sa impaktong lalaking nanggulat sa akin sabay hampas ko sa kanya ng aking notebook.

"Ang arte mo naman Kayla Leonor Dimagiba. Ito naman... Hindi na mabiro. Tsk." nang-aasar niyang saad at umismid. 

"At ako pa ngayon ang maarte Nicanor Antonio Brillantes XII?! Ako?! Ako na pinaghintay mo ng isa't kalahating oras dito sa tabi ng soccer field kung kailan tirik ang araw?! Ako pa talaga? Aba'y mukhang gusto mo na naman atang makatikim ng karate moves ko..." pagtatalak ko habang nakapamaywang na dito sa isang bench sa gilid ng soccer field ng aming University. Feeling ko ay puputok na ang ugat ko sa aking ulo sa sobrang inis at madodokleng sa kakairap dito sa tukmol na lalaking nagawa pang ngumisi sa akin. Nagkibit balikat lang siya sa pagbulyaw ko at umarte pang nililinis ang kanyang tainga dahil sa lakas ng boses ko.

"Easy... Chill lang Kanon. Masyado kang hot. Sorry na, okay? May dinaanan lang ako, alam mo na..." makahulugan niyang ngiti at ni-wiggle wiggle pa ang magkabilang kilay niya. Mas lalo tuloy akong nainis.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon