Chapter 33 (Edited)

714 11 0
                                    

TBR 33 (Slightly Edited)

Reminisce... The Past.

The Present Part 3

Author's note: Tatlo ang bida sa istoryang ito. I'll give each one of them the ending that they deserve. Everyone deserves a closure... be it happy or sad.

(We need closure in order for us to move on... Bagay na hindi ko pa nakukuha hanggang ngayon dahil naduwag ako...)

P.S. hindi pa matatapos ang istoryang ito... May darating pang... bagyo.

Please excuse the errors. Di ko pa napo-proof read 'to. :P

Background: We're going well, Us by Zitten

Kana

"Pre, tama na yan... Isang linggo ka ng naglalagi dito sa bar. Kulang na lang gawin mong bahay 'to. Lagi ka ring absent sa class. Baka matanggal ang scholarship mo niyan Pre." Awat ni Mike sa akin. Kinuha niya ang shot glass na hawak ko pero agad ko rin naman iyong binawi at nilagok ang laman nitong alak.

Heto ako't nakatingin sa kawalan habang naglalasing-- inaalala ang lahat ng nangyari ng mga nagdaang taon, at maging ang mga nasaksihan ko noong araw ng music fest.

Oo, napanood ko sila. Napanood ko kung gaano sila kasayang ipagsigawan sa mundo kung gaano nila kamahal ang isa't isa... Habang ako naman ay parang pinapatay sa aking kinauupuan ng mga sandaling iyon.

For the second time, she broke my heart.

But this time... But this time...

Parang hindi na mawawala pa itong sakit na nararamdaman ko.

Dito.

Dito sa bwisit kong pusong sobrang tanga.

Mahal ko siya e... Sobra pa sa sobra!

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya natakot tuloy ako, at imbis na mapunta siya sa akin, ay naitaboy ko siya ng hindi ko namamalayan.

"Pabayaan mo na ako Mike... Pre, ang tanga ko lang! Ang laking gago ko! Minahal niya na ako ulit e! Nakuha ko na ulit ang puso niya! Pero sinayang ko na naman... Sinayang ko na naman ang pagmamahal niya..." I wept, ang aking mga labi'y nanginginig na sa paghagulgol, pero wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ngayon ng mga tao sa paligid. Ang tanging pakialam ko lang ay etong sakit na nadarama ko sa puso ko.

I heard Mike heave a sigh habang pinapanood akong miserableng nagpapakalunod sa alcohol.

"Alam mo Pre, hindi talaga kita maintindihan e. Akala ko ba si Sarah ang mahal mo? Tapos ngayon, si Kanon naman ang mahal mo? Para saan pala iyong paglalasing mo noon? Kung si Kanon naman pala ang totoong mahal mo? Labo mo Pre!" napapailing na tanong ni Mike.

Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig lang ako sa kawalan, at nagsaling muli ng alak sa shot glass ko. Pagkatapos ay nilagok ko ang laman noon bago bumaling kay Mike.

"Mahirap paliwanag Mike... Masyadong komplikado. Alam mo naman kung bakit ako hiniwalayan ni Sarah noon di ba? Kasi hindi ko mabigay sa kanya ang atensyong hinihingi niya sa akin. Pero may hindi ako nasabi sa 'yo Pre... Hiniwalayan niya din ako noon dahil wala akong ibang mukhang bibig kung hindi si Kanon. Noon pa man, si Kanon na talaga Pre. Pero natakot ako... Natakot akong amining mahal na mahal ko na siya." Napapatiim bagang kong saad, ang aking mga luha'y patuloy sa paglandas sa aking mga pisngi. Napakunot naman ang noo ni Mike sa sinabi ko, tila naguguluhan pa rin sa paliwanag ko.

"Ano? Hindi ko gets! Kung mahal mo na pala siya noon, bakit si Sarah ang niligawan mo? Pre, since first year college tropa na tayo. I had seen you with girls even before Sarah came into the picture. At sa mga panahong iyon, obvious na obvious ang pagkagusto sa 'yo ng bestfriend mo. Imposibleng hindi mo napansin iyon? Kung ganoon... Bakit ka pa natakot kung alam mo namang mahal ka rin niya? Naagaw tuloy!"

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon