TBR 56: 2-Part Special (Dance I)
Background: Breath by Jonghyun and TaeYeon
Nicanor... Antonio... Brillantes... XII...
O Kana kung tawagin ko.
He was my first love-- iyong pag-ibig na sabi nila'y kahit kailan ay hindi mamamatay.
Siguro nga...
Siguro nga ay may katotohanan sa kasabihang iyon.
Paano mo nga namang madidiktahan ang puso mong lumimot sa isang bagay na natutunan mo na?
How do you unlove a person?
Lalo na kung siya ang unang nagparamdam sa iyo noong pakiramdam na minsan mo lang mararanasan sa buhay mo.
"Baby, mauna na akong pumasok sa loob, ha? I still need to finish my homework pa." paalam ni Kuya sa akin matapos kaming i-drop off ni Tito Romeo sa tapat ng aming bahay.
Umalis din agad si Tito pagkahatid sa amin dahil may kailangan pa siyang daanan sa office kung saan nagtatrabaho rin si Papa.
Tumango ako kay Kuya bilang tugon habang yakap-yakap ang aking sarili.
"Okay, Kuya. Sa may terrace muna ako, magpapahangin lang." ngiti ko sa kanya, pagkatapos ay niyakap ako ni Kuya at humalik sa aking noo.
"O sige, Baby. Huwag masyadong magtagal ha? At mahamog na... Baka ka magkasakit." Bilin ni Kuya, and my smile widened.
Napakalambing talaga ng Kuya Shino ko. (^^)
"Opo, Kuya..." I said in a singsong voice making my brother giggle.
He ruffled my hair as usual, at ako naman nagpa-baby lang kagaya ng nakagawian ko sa tuwing naglalambing ang aking kapatid.
"Kulit mo talaga... Kaya love na love ka ni Kuya, e... Love you Baby kong makulit!"
"I love you more, Kuya! Kahit bugnutin ka." Pabiro kong tugon at malambing lang na pinisil ni Kuya ang aking ilong at bahagyang napahalakhak.
"Mas bugnutin ka kaya! O, siya, papasok na ako. Marami-rami pa ang bubunuin ko sa assignment ko." Kuya Shino said bago tuluyan nang pumasok ng aming bahay.
Naiwan lang ako doon... Sa labas ng aming gate... habang pinagmamasdan ang pagpasok ng aking kapatid sa loob ng aming bahay.
Yakap ang aking sarili habang tila bumubulong sa aking tainga ang ihip ng malamig na simoy ng hangin.
Nang tuluyan ng makapasok si Kuya sa bahay ay tangkang papasok na rin ako sa aming gate nang marinig ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa katabing bahay.
Napahinto ako sa aking paglalakad, habang ang aking mga kamay ay napakapit ng mahigpit sa malamig na bakal na gate ng aming tahanan.
Ang kaninang tahimik na kapaligiran ay napuno ng tawanan at biruan ng isang babae...
at ng isang lalaking kahit sa pagpikit ay kilalang kilala ko.
Alam kong dapat ay pumasok na ako, at hindi na dapat maki-usyoso pa...
Alam kong masasaktan lang ako kapag nilingon ko pa ang pinanggagalingan ng mga tawanan...
Pero ginawa ko pa rin...
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.