Regrets and Decisions
Background music: Di Mapaliwanag by Morissette Amon
Noon pa man... Hinanda ko na ang sarili ko— para sa araw kung saan muli kong maririnig ang pangalan niya... I was just a substitute. Isang taong minali ang lahat para makapagsimulang muli kasama ang kababatang minsan ko ng nasaktan noon, at minsan nang nawala sa akin. Makasarili ako... An a-hole... at sa huli ay sariling damdamin ko pa rin ang inuna ko at prinotektahan.
Siguro ay ganito na talaga ang aming kapalaran... Paano nga naman magiging tama ang isang bagay na simula pa lang ay sinira ko na? Pagsisihan ko man ang pagiging gago ko ay hindi ko na maibabalik ang lahat. Minahal niya ako pero sinaktan ko siya. Minahal niya siya, at minahal din siyang balik nito. Pero nang dahil sa akin ay naiba ang takbo ng lahat.
... And because of that ay kailangan ko na talaga siyang palayain. Palayain mula sa kasinungalingan ko. Kung kailan naman unti-unti ko ng nadidiskubre ang tunay kong nadarama para sa kanya. Kung kailan naman naging klaro kung gaano siya kahalaga sa akin... Bakit ba kasi ang slow ko?
Prince— upon hearing that name, Kana froze on the spot. He already anticipated that this day would come... Ang araw na muling pagtatagpuin ang landas nilang tatlo. Ngunit, kahit na maraming taon na ang lumipas, ay hindi pa rin pala siya handa. Nakampante siya.
"Prince? Si-sinong Prince?" Tanong ni Kana kanina sa dalaga habang kumakain sila sa karinderya. Nakaupo siya ngayon sa dulo ng kanyang kama habang inaalala ang lahat ng nangyari sa maghapon— ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa kanyang kandungan, ang ulo'y nakayuko habang nakatulala sa kawalan.
"Hmmn? Ah si Prince, classmate ko iyon sa Chem. Prince Tantoco, kilala mo?" masayang tugon ni Kanon, unaware of the mental turmoil Kana was experiencing.
Of course, he knew very well who Prince Tantoco was— Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking minsan ng nagpamukha sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta?
Bakit pa siya bumalik? He thought, as pain and guilt filled his entire system. Ang insecurities na matagal niya ng binaon sa limot ay unti-unti na namang nabubuhay sa pagbabalik ng nakaraang ikinubli niya mula kay Kanon.
"Hi-hindi. Hindi ko siya kilala. Kapangalan niya lang iyong nakalaban ko noon sa basketball kaya ko naitanong." Pagsisinungaling ng binata na pinaniwalaan naman ng inosenteng dalaga. Pilit itong ngumiti para itago ang pangambang bumalot sa kanyang buong katawan.
"Ganoon ba? Hayaan mo next time, ipapakilala kita sa kanya. Alam mo? Ang bait noon! Mapang-asar nga lang siya pero... Ewan ko ba... Magaan ang loob ko sa kanya..." She dreamily muttered with a smile that Kana had not seen in a long time. Isang ngiting tanging isang tao lang ang nakapagpapalabas.
At that moment, he knew... nakalimot man ang utak, hindi naman ang puso.
Mula sa pagkakatulala ay napabuntong-hininga siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinilot ang kanyang noo— pagod na sa pagpapanggap, pagod na sa pagsisinungaling.
"If I didn't lie... Mamahalin mo pa rin kaya ako Kanon?" malungkot na bulong niya sa kanyang sarili as his eyes glistened with unshed tears. Matagal niya ng alam— he was aware of the special feeling Kanon has for him pero binalewala niya ito. He made a promise never to fall for her after the incident years ago because the thought of loving her romantically scared him for some unknown reason... and he now knows the reason why. Takot siyang masampal ng katotohanan... Na baka ang nadarama para sa kanya ng dalaga ay parte lang din ng kasinungalingang sinimulan niya.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.