TBR 55- Prince Tantoco
Note: Sa mga naguguluhan, please read chapters 51-52 para magets niyo kung saan tumungo ang story nito. :) Baka na-skipan niyo lang naman kasi minsan nagloloko ang notif ng updates :)
Ito ang prequel starting from chapter 52 ;)
"What's your favorite season?" I asked him.
"Winter." He said.
It's been more than ten years since I asked you that question, at hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko habang sinasabi mo sa akin that you love snow...
Iyong mga mata mong nangungusap... Iyong mga mata mong mapupungay at nakakatunaw...
Parang kahapon lang noong kasama pa kita...
Alam mo bang noong una kong makakita ng snow, ikaw ang naalala ko? Naalala kita at ang sinabi mo.
Mahigit sampung taon na pero napapangiti mo pa rin ako... Kahit sa mumunting sandaling pinagsaluhan natin.
Your name means autumn but you remind me of winter. :')
Kasing liwanag ka ng niyebe sa puso ko. Iyong puso kong naging yelo simula ng nawala ka sa buhay ko.
If my life were to flash before my eyes, I'd stop on that moment... on that same day... in that same room... Kung saan tayo lang dalawa.
-- Author.
Chapter 55: Prince Tantoco
Kanon's POV
"Ha-HACHOO!"
"Oi Sungit ayos ka lang? Eto oh, gamitin mo muna panyo ko." Mr. Froglet offered habang sinisinghot ko ang uhog ko pabalik sa matangos kong ilong.
Binalingan ko siya at naabutan siyang nakangiwi na para bang nadidiri sa pagsinghot ko. Hehehe.
Sorry naman. Tao lang.
Paano ba naman, halos magdadalawang oras na ata kaming nakakulong dito sa storage room. Triny ko na nga magsisisigaw sa rehas na bintana pero para namang wala ng tao sa loob ng campus. Huhu (T_T)
Ayan tuloy, sinipon na ako dahil lumalamig na dito sa loob ng storage room. Pasok na pasok kasi ang hamog doon sa rehas na bintana kaya good luck naman sa amin.
"Salamat." Hindi na ako nag-inarte pa at tinanggap ang panyong inoffer niya sabay singa ng malakas doon making him gawk at me. Hihi. Peace yo!
"Sorry! Lalabhan ko na lang bago ibalik sa 'yo." I apologetically grinned at him sabay peace sign.
"O-okay lang... Kahit huwag mo ng ibalik." He said, mumbling the last sentence, looking so disgusted.
Pagkatapos noon ay nanahimik na kaming muli habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding.
Tanging ang liwanag lang na pumapasok mula sa bintana ang nagsilbi naming ilaw.
Sobrang lamig talaga. Brrrrr {{(T-T)}}
Niyakap ko na lang ang aking mga tuhod habang hindi mapigilang mangatog sa lamig ng gabi.
Maya-maya pa't may naramdaman akong mainit na brasong pumalibot sa aking balikat, at paglingon ko, ay siyempre, sino lang ba ang kasama ko dito? Si froglet lang naman. Hehe.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
Romanzi rosa / ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.