Chapter 54

411 5 3
                                    

TBR 54- Stuck


Out of more than 7 billion people in the world, darating ang oras na makakatagpo ka ng katapat. -- katapat, as in iyong taong bwibwisitin ka araw-araw, babarahin lahat ng paliwanag/reklamo mo, buburautin ka hanggang pumutok ang ugat mo sa ulo at dumanak ang dugo mo sa sahig, at siya iyong taong tatawanan ka pa kapag natisod ka o gumulong at magparolyo-rolyo sa daan-- sa makatuwid, isa siyang epal.

At sa tingin ko, nahanap ko na ang aking katapat-- ang lalaking epal sa buhay ko.

"Phew! I didn't expect that cleaning would be this exhausting! Good thing we're done with the pool. Gymnasium na lang then makakauwi na tayo. Gusto mo hatid na kita sa inyo, Sungit?" dire-diretsong utas nitong palakang sunod ng sunod sa akin sabay punas sa pawis sa noo niya gamit ang kanyang braso.

Daldal talaga! Grrr!

At bakit ba kung saan ako pumwesto ay doon din siya pumupunta?

Hay naku! (--_--)

Imbis na sagutin siya ay hindi ko siya pinansin na para bang isa lang siyang hanging (malakas na hangin) ayaw akong tantanan.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa gymnasium, dala ang walis at pandakot. Habang siya naman ay buntot pa rin ng buntot sa akin habang bitbit ang isang empty trash bag.

"Huy, Sungit, magsalita ka naman!"

"Sungit!"

"Kayla Leono--!"

"Pwede ba?! Tigil tigilan mo akong palaka ka?! Atsaka bakit ka ba sunod ng sunod? Hindi ba pwedeng doon ka sa isang sulok ng gymnasium, tapos ako naman sa kabila?!" nagngingitngit kong bulyaw nang tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang kokak na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Wala naman akong balak alamin pa. Pake ko ba sa kanya.

Mukhang nagulat ang mokong sa outburst ko at bahagyang napaatras at napataas ang dalawang kilay.

"Whoah! Whoah! Whoah! Chill lang naman Sungit. Period? O sadyang inborn na 'yang pagiging masungit mo? Siguro pinaglihi ka sa nanay ni Dao Ming Si ng Meteor Garden 'no? Umamin ka. Pinaglihi ka dun 'no?" nagsimula na namang mang-alaska itong nakakaburaot na lalaki at feeling ko umuusok na ng literal ang ilong ko sa inis.

Kung bumubuga lang ako ng apoy, kanina ko pa natusta 'tong mokong na 'to!

"Kung ako pinaglihi sa nanay ni Dao Ming Si, ikaw naman pinaglihi kay Cristy Fermin! Leche ka! Daig mo pa si Boy Abunda at si Kris Aquino sa kadaldalan mo! Kung gusto mong chumika, doon ka sa The Buzz! Tse!" I scowled at halos ihambalos ko na sa kanya ang hawak kong walis at pandakot.

Nagawa pa akong tawanan ng siraulo.

Inirapan ko na lang siya, at padabog na nagpatuloy sa aking paglalakad.

Pagdating namin sa gymnasium ay sakto namang paalis na ang basketball team ng St. Valentine Academy. Mukhang may kakilala pa ang gunggong na palaka doon sa mga miyembro ng team dahil nakipag fist bump, at high five pa ang mokong sa ilan sa mga iyon bago sila tuluyang nakaalis ng gymnasium.

Pilit ko siyang dinedma.

Pinilit kong magconcentrate sa pagpupulot ng basketball at sa paglalagay noon sa ball locker.

Pero sadyang nakakabwisit ang tadhana.

Sukat ba namang bigyan ako ng isang nilalang na halos idutdot na ang mukha niya sa mukha ko bilang kasama?

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon