Side Story: Kana

1.2K 11 6
                                    

TBR Side Story: Kana

Background music: River flows in You by Yiruma

Eto na ang request ni Ms. KCCASEY23 :)



Kana


Sabi ni Alexander Graham Bell, "When one door closes, another opens; but we often look so long and so regretfully upon the closed door that we do not see the one which has opened for us."

I was once stuck in the past...

Hindi makilala kung sino o kung ano ang nasa harapan ko...

Dahil noong mga panahong iyon, sa isang tao lang umikot ang mundo ko.

Para akong sumali sa marathon, pero pabaliktad ang takbo ko.

Lahat ng mga kasama ko narating na ang finish line,

Samantalang ako...

Nanatili kung saan ako nag-umpisa.

I traveled the world just to find myself. Soul searching kung tawagin ng iba.

A week after I let go of my first love, without thinking things through, I packed my things, left a message for my parents, and left the country.

Korea, Japan, Singapore, Iceland, Netherlands, Zimbabwe—ilan lang yan sa mga napuntahan ko.

I wasn't sure where to start or how to start.

'Paano ko nga ba pupulutin ang sarili ko?' iyan ang madalas kong itanong sa sarili ko noong mga panahong iyon.

Hanggang sa...

Hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa lugar na tatlong taon ko ng tinatawag na tahanan—ang London.

London is where I found some sort of peace. Met a lot of people, started my own business—a shopping complex, and let's just say... I found myself here.

Pero hindi pala sa paghahanap sa sarili nagtatapos ang lahat.

Dahil kahit nahanap ko na ang sarili ko, pakiramdam ko may kulang pa rin.

'''''''

A typical chilly and misty morning here in London...

I took a sip of my brewed coffee in my right hand as I read and held the invitation in my left hand.

"Oi, Kana, make sure na pupunta ka ha? Kundi magtatampo talaga ako sa 'yo." Pangungulit sa akin ng dakila kong bestfriend sa facetime.

Pinagmasdan ko ang nakasimangot niyang mukha at magkasalubong na kilay, at hindi ko mapigilang mapatawa—earning a scowl from her.

Maingat kong inilapag ang aking kape sa aking coffee table bago muling bumaling sa screen ng aking laptop.

"Oo na... ang kulit lang? Ako pa ba ang mawawala sa kasal ng pinakamamahal kong bestfriend? Atsaka, dalawang buwan pa naman bago ang kasal mo. Atat lang?" natatawa kong sambit at kung nakamamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako tumumba sa sama ng tingin sa akin ni Kanon.

"Aba't siyempre! Three years in the making na nga 'tong kasal na 'to. Ito kasing froglet na 'to, taon-taon na lang pinupuno ang bahay bata ko. Gusto yatang sumunod sa yapak ni Kuya Germs na 'Walang tulugan!' Hay! Naiistress ang beauty ko!" she rolled her eyes, flipping her hair, na siyang nagpahagalpak sa akin sa pagtawa.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon