TBR 61
"Oh, bakit ka nakatulala diyan?" he asked, snapping me out of my reverie.
"Huh? Ah, wala naman. Napagod lang ako sa P.E. natin. Lam mo naman na ayaw ko ng takbuhan. Tas 100 meter dash pa." excuse ko habang nakaupo dito sa damuhan sa gitna ng Oval at yakap ang aking mga tuhod.
Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga damo sa aking paanan habang inaalala ang lahat ng naganap nitong nakalipas na buwan.
Isang buwan...
Isang buwan na mula nang makita ko si Kana at ang kanyang tutor.
At isang buwan na mula ng pumayag ako sa gusto ni Prince.
We started dating.
Pero hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.
He didn't buy my excuse and sighed. Pagkatapos ay naupo siya sa gilid ko at kinuha ang kamay kong naglalaro sa damo.
Sinundan ko ang bawat kilos niya ng tingin...
Mula sa pagkuha niya sa aking kamay, hanggang sa pagdampi ng kanyang malalambot na mga labi sa aking palad.
The kiss was gentle and warm.
Mababaw lang iyon pero sapat na para haplusin ang puso kong naguguluhan.
I like him.
Pero sapat na ba ang pagkagustong iyon para masabing mahal ko na siya?
Siguro ay hindi pa.
Hindi pa handa ang puso kong magbukas ng tuluyan para sa mabuting taong ito na nasa aking tabi.
"Nagsisisi ka ba?" he asked making me blink and avert my gaze.
Hindi ko alam.
Pagsisisi nga ba itong nadarama ko?
Mula sa pagkakayuko ay iginiya ng kanyang isang kamay ang aking mukha para humarap sa kanya.
"Okay lang." he simply said, looking as gentle as ever, na siyang nakapagpakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Okay lang kung nagsisisi ka."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong and he sighed.
"Ang gusto kong sabihin... I understand kung hanggang ngayon siya pa rin. Tanggap ko naman na rebound ako, at naiintindihan ko if you feel a certain regret for agreeing to become my girlfriend. Hindi pa rin ako susuko." Paliwanag niya, sounding optimistic, making me stare at him for a while before heaving a sigh.
"Sorry." Pagod kong tugon at umiling siya.
"No. Don't feel sorry for me. Ginusto ko naman 'to.
... At isa pa, naniniwala pa rin akong someday... Someday, magagawa ko ring mahulog ka sa akin. I just have to do my best to win your heart, hindi ba?" ngiti niya sa akin.
Dati, akala ko, sa mga fiction books lang makakatagpo ang isang tulad ko ng isang tulad niya.
"Alam mo? Bagay talaga sa 'yo ang pangalan mo. Prince." I said, with a half suppressed laugh, na siyang nakapagpatagilid ng ulo niya.
"Hm? Bakit mo naman nasabi? Ah! Alam ko na! Dahil ba yan sa taglay kong kagwapuhan?" tanong niya tapos nagpogi sign pa at winiggle wiggle ang kanyang mga kilay, earning a hearty laugh from me.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
Romanzi rosa / ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.