TBR 32
Reminisce... The Past.
And the Present. Part 2
PG 13
Background: Done Here by Taru ft Zitten
(Nagsisimula pa lang ako...)
Sa buhay na ito... May iba't ibang klase ng istorya... iba't ibang takbo... at iba't ibang kinahahantungan. Pero sa lahat ng istoryang ito... Sa lahat ng istorya ng buhay natin... Lahat tayo ay naghahangad ng isang magandang pagtatapos. Lahat tayo uhaw na maging masaya... Maging masaya sa piling ng taong magbibigay kahulugan sa lahat ng komplikasyong dinanas natin sa mundong ito. The person who can simplify everything or the person who can make us feel that everything's a piece of cake for as long as we have that person by our side.
Kaya lang...
Paano kung sobrang ilap ng taong iyon?
(If I never knew love... I wouldn't be this lonely...)
Kana
She caught me in bed with my tutor, at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin after that. Every night after that incident, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa aking kwarto at umiyak. Ni wala akong ganang pumasok sa iskwela, at kinausap ko rin ang aking mga magulang para patalsikin si Teacher Sandra as my tutor.
She got furious but then I threatened her na magsusumbong ako at ipapakulong siya for corrupting the mind of a minor like me. Kaya naman natakot siya, and she even resigned sa school na pinapasukan ko.
Puno ako ng pagsisisi at parang lahat ng masamang trato ko kay Kanon sa mga nagdaang taon ay isa-isang isinasampal sa pagmumukha ko.
I like her...
I realized, though hindi ko sigurado kung pag-ibig bang matatawag ang klase ng pagkagusto ko sa kanya nang mga panahong iyon. Ang tanging sigurado ko lang ay ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. I wanted her... So badly... So bad.
"Oh, Kana! Ikaw pala! Long time no see! Himala ata at nagawi ka dito sa amin?" bati ni Kuya Shino pagpasok ko pa lang sa gate ng bahay nila sabay nakipagfist bump sa akin.
Isang buwan matapos ang insidente ay doon pa lang ako nagkalakas ng loob harapin si Kanon. I wanted to start anew-- wanting a fresh start with her. I realized my mistakes at gusto kong itama lahat ng iyon. Sabi ng utak ko, gusto kong ibalik ang dati naming samahan. Pero... sabi ng puso ko, gusto ko ng higit pa doon.
"Hehe. Sorry Kuya Shino kung ngayon na lang ako nakadalaw dito... Ahhh... Kuya... Nandiyan... Nandiyan ba si Kanon?" nahihiya kong tanong, ang aking isang kamay ay napakamot sa aking ulo habang ang kabila ay nasa aking likuran at hawak-hawak ang punpon ng white roses na ibibigay ko kay Kanon.
Ilang linggo ko ng pinag-isipan noon kung ano ang magandang ibigay sa kanya. Pero sa huli ay sa bulaklak din ang bagsak ko. Inipon ko pa talaga ang allowance ko para sa linggong iyon para lang mabilhan si Kanon ng mamahaling bulaklak. I even skipped lunch at nagbaon na lang ng cookies sa school para lang makatipid.
I chose to give her white roses dahil nabasa kong ang ibig sabihin noon ay "I'm thinking of you" and new beginnings.
Noon pa man ay walang oras na nawaglit siya sa isipan ko... Kahit na noong mga panahong sinusubukan ko ay nabigo pa rin ako. Kailangan ko siya sa buhay ko at gusto kong makapagsimulang muli kapiling siya.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.