TBR 49
Eureka PART 2
Third Person POV
Di edited 'to... di ko pa nabackread... at di pa ayos ang spacing...
Tomguts na ako kaya unahin ko munang kumain. lol. :p
<3
Inabot ng kulang kulang tatlong oras ang byahe nila dahil sa tindi ng traffic.
At dahil sa haba ng byahe ay nakatulog na si Shinji sa mga bisig ng ina.
Hindi naman mapigilan ni Diana ang kabang nadarama habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na anak.
Kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ni Shino.
Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya?
Paano niya sasabihing may anak sila?
Matutuwa kaya ito o baka naman kamuhian siya ni Shino dahil nilihim niya ang tungkol kay Shinji?
Gaano na kaya kalaki ang pinagbago nito?
Mahal pa kaya siya nito gaya dati?
Ilan lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa kanya ng mga sandaling iyon...
Sa sobrang pag-iisip ay di niya na namalayan na nakarating na sila sa lugar na itinuring niya na ring pangalawang tahanan maraming taon na ang nakakalipas...
"We're here..." sambit ni Kanon na siyang nakapagpahinto sa pag-iisip ni Diana. Dumungaw siya sa tinted na bintana ng kotse ni Prince...
... At doon pa lang...
Naaninag niya na ang pigura ng lalaking matagal niya ng inaasam na muling makita. Nakatayo ito sa may gate ng bahay nila kasama ang mga magulang nina Kanon. Marahil ay hinihintay nito ang pagdating ng kapatid.
Napasinghap si Diana, and for the first time, after so many years... Ay muling lumundag ang kanyang puso, pilit kumakawala sa kinalalagyan nito... Para sa lalaking tangi niyang minahal... magpasahanggang ngayon.
"O, Kanon... Mabuti't naisipan mo pang umuwi? Saan ka ba talaga galing bata ka ha? Magsabi nga kayong magkapatid ng totoo! Hindi ka sa classmate mo pumunta, ano? Kinunsinte ka na naman nitong lintek mong Kuya, ano?! Abe--" nakapamaywang na bulyaw ni Juliet sa anak nang salubungin nila ito, na hindi niya na naituloy nang biglang lumabas si Prince mula sa loob ng sports car.
Ang kaninang nakapamaywang na si Juliet ay biglang namutla at nahulog ang kanyang mga kamay sa kanyang gilid nang masilayan ang tila isang multo mula sa nakaraan sa kanyang harapan.
Napatingin siya sa kanyang asawa na namumutla rin at gulat, pati sa kanyang panganay na mukha namang natuwa pa nang makita si Prince.
Hindi nakatakas kay Kanon ang naging reaksyon ng mga magulang at nanliit ang mga mata niya habang pinapanood ang mga ito.
"Sorry po... Tito... Tita... Ako po ang may kasalanan kasi dinala ko po si Kanon sa mansyon namin sa Tagaytay para ipakilala sa parents ko. By the way... I'm... Prince-- Prince Tantoco. Boyfriend po ni Kanon... Nice to meet you po..." paumanhin ni Prince sa dalawang gulantang na nakatatanda sabay lahad ng kanyang kamay sa mga ito.
They all know him... At kilalang kilala niya rin ang mga ito, lalo na ang tatay ni Kanon na nagtatrabaho para sa Daddy niya. Pero kinailangan niyang magpanggap na iyon ang una nilang pagkikita para na rin sa kasintahang may amnesia.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
Chick-LitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.