TBR 36
Background music: Ghost of You by Kennard Faraon (boses niya ang boses ni Prince sa utak ko. Hihi.)
Kanon
Mga alaala...
Gaano ba kahalaga ang mga alaala ng nakaraan kung masaya ka naman sa kasalukuyan?
Iyan ang tinatanong ko sa aking sarili...
Mahalaga pa bang makaalala ako ng buo o dapat na lang akong makuntento sa kakarampot na pasilip sa aking nakaraan na kailan ko lang natuklasan?
Hindi...
Iyan ang napagtanto ko... Hindi na ganoon kahalaga sa akin kung tuluyan mang bumalik ang lahat ng alaala ko o kung hindi man ito bumalik ay ayos lang...
Ang mahalaga sa akin ngayon...
Ay siya...
Ang pagbabalik niya sa buhay ko at pagtupad sa pangako niya.
Ang mahalaga lang sa akin ay siya at ang pagmamahal niya...
Ang pagmamahal niyang nandiyan pa rin sa kabila ng lahat.
Ang pagmamahal niyang hindi ko akalaing madarama kong muli...
Dito sa malilimutin kong puso.
Hahayaan ko na lang kusang umagos ang lahat ng alaala ko...
At magiging masaya na lang sa kung ano ang mayroon ako ngayon.
He's all that I need...
And he's all that I want.
My Stalker Prince.
Third Person POV
Hi Princess! Kararating ko lang sa Condo ko. Tulog ka na? Miss u :(
Text ni Prince kay Kanon na siyang nakapagpangiti sa dalaga habang nakahiga siya sa kanyang kama.
Isang oras pa lang ang lumipas simula nang ihatid siya nito sa kanyang bahay pero miss na kaagad siya ng kanyang boyfriend.
Boyfriend. Ang sarap pakinggan. She murmured to herself habang yakap ang kanyang iphone sa kanyang dibdib.
Parang sirang humahagikgik mag-isa ang dalaga, kinikilig sa maikli ngunit tagos sa pusong mensahe mula sa kasintahan.
It's been a week simula ng naging sila ng binata pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napaisip tuloy siya bigla...
Ganito rin kaya ang pakiramdam ko noong una kaming naging magkasintahan? Paano kaya naging kami noon? Paano niya kaya ako niligawan? O baka naman ako ang nanligaw? Napatawa siya sa kanyang naisip at pagkatapos ay nangangarap na napabuntong-hininga. Hindi maawat ang ngiti sa kanyang mga labi.
Mula sa kanyang dibdib, ay inangat niya ang kanyang iphone at mabilis na nagtipa ng mensahe para kay Prince.
Oo. Tulog na ako. Hahaha. Kaya nga nakapagreply pa ako e. lol. Tama bang tanungin kung tulog na ang tao? E paano ka pa sasagutin, kung tulog na nga? Xp
Pamimilosopo ng dalaga, natatawa. Iniimagine niya kung ano ang magiging ekspresyon ni Prince kapag nabasa ang text niya. Gusto niya talaga kapag iniinis niya ang binata.
Maya-maya ay tumunog ulit ang phone niya sa isang mensahe mula sa kasintahan.
Sige, ganyan ka naman Darling e... Hilig mong mambara. Wala man lang I miss you too... tsk.. :'(
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
Literatura KobiecaA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.