TBR 24
Point 1 (1 of 2)
Background music: Rainy by Taru
Prince
It was a sunny day when I met a crying cute petite girl at the birthday party of the son of one of our company's employees. I saw her running toward the woody portion of the garden where the party was held kaya sinundan ko siya.
"Here, you can use my handkerchief if you want." Ngisi ko sa batang babae habang inaabot sa kanya ang aking nakatuping puting panyo. Nakaakap siya sa kanyang mga tuhod habang umiiyak at nag-angat siya ng tingin nang madinig ang tinig ko. She looked cute kahit na basang basa ang mukha niya dahil sa pag-iyak.
Pinagmasdan niya ako bago bumaling sa panyong inaabot ko, at nag-aalangang kinuha ito mula sa aking kamay.
"S-salamat..." she said, sobbing, sabay singa sa panyong inabot ko. Imbis na madiri ay napahagikgik ako ng mahina dahil sa ka-cutan ng batang babae.
I was eleven years old when I met her, and that time I had no idea that the cute girl would mean the world to me someday.
After that fateful meeting, the fortunate accident people call 'serendipity', I found out that she was the daughter of my dad's most trusted right-hand man. Siya pala ang anak that Tito Dave kept gushing about. The daughter who's a good painter at such a young age. Sa tuwing mapapadpad si Tito Dave sa amin noon ay lagi kong naririnig kung paano niya ikwento at ipagmalaki ang kanyang bunsong anak kay Dad. I even saw some of her paintings, at doon pa lang ay naging interesado na ako sa kanya.
"Dad, I want to enroll in St. Valentine Academy. I want to be in the same class as Tito Dave's daughter." I told my Dad, one day, over breakfast, and he looked at me with curiosity. Ibinaba niya sa mesa ang sinisimsim niyang mainit na kape, pati ang kanyang diyaryong binabasa, bago muling bumaling sa akin.
"Hmmnnn... You sure about that? What about your plan to go straight to college? Sayang naman ang acceleration mo k-" my dad tried to talk me out of it but I cut him off.
"I changed my mind, Dad. I want to experience a normal student life and go through the normal process. Boring naman if I have it easy." I said and my Dad chuckled. Tinignan niya ako ng makahulugan at alam kong alam niya ang totoong dahilan ko.
"Oh really? Or is it because of Kayla Leonor? You cannot fool me son. I know you're smitten." Sabi ni Dad sabay simsim sa kape niya at napahalakhak ako.
"You know me too well, Dad." I uttered with a grin.
Growing up, nasanay na ako sa mga papuri ng tao. I was what they called, a 'gifted child', isang batang biniyayaan ng kakaibang talino at talento. People thought I was perfect, at iyon lang ang nakita nila sa akin. No one really saw the real me, or the loneliness I felt deep within me. Nasanay akong maglagay ng pekeng ngiti sa aking mukha, kahit na sa mga araw na gusto kong umiyak o gusto kong magalit. A lonely Prince with no real friends maliban sa mga kapatid niya. A guy who needed to keep up with the pressure of being the future successor of his father's businesses. A guy with a perfect façade, a perfect image- isang imaheng isang babae lang ang nakatibag, and her name was 'Kanon.'
"Huwag mo nga akong sundan! Stalker ka talaga! Huwag mong sabihing gusto mo ring sumama hanggang sa cubicle ng girl's CR?" pagtataray niya, rolling her eyes, nang sinundan ko siya hanggang sa may pinto ng restroom sa school. Isang linggo pa lang kaming magkaklase noon pero iritang-irita na siya sa akin dahil sa pangungulit at pang-aasar ko.
"Hindi naman kita sinusundan. MagC-CR din ako and since magkatabi lang ang restroom ng boys and girls, siyempre, dito rin ang punta ko." Alibi ko na hindi niya kinagat. Napangiwi siya sabay binigwasan ako sa aking tiyan. Ganyan ang lagi naming eksena sa umaga bago magsimula ang aming klase. Aasarin ko siya at kukulitin, at hahabulin niya naman ako at hahampasin. Pero ni minsan ay hindi ako napikon, kahit na masakit siyang manghampas at manapak. Iyon ang nagsilbi naming lambingan araw-araw, and I was truly happy.
"Bakit ka ba laging nakangiti? Hindi ka ba napapagod? Alam mo bang ayos lang sumimangot at ipakitang hindi ka okay minsan? Sige na... try mo lang tutal tayo lang namang dalawa dito." Tinanong niya sa akin noong minsang magkasama kami sa may soccer field ng school.
My Dad had to be admitted at the hospital that time because of overfatigue sa kakatrabaho, and I had to take over sa mga naiwan niyang responsibilidad sa kompanya. I was really stressed that time, pero ayaw kong ipahalata dahil ayaw kong mag-alala ang mga mahal ko sa buhay. But Kanon noticed it.
"Ganito lang yan e, kailangan mo lang ibaba itong gilid ng mga labi mo. Tapos ikunot ng kaunti ang noo mo. Tapos, ayan! O, di ba? Kahit nakasimangot ka, gwapo ka pa rin!" masaya niyang sabi sabay humalakhak, matapos iposisyon ang mga labi at noo ko para magmukhang nakasimangot. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, nagawa kong magpakatotoo sa sarili ko. Nagawa kong makahinga ng maluwag, most especially, when she patted my head.
"You know what? Minsan all we need is a simple pat on the head to assure us that everything will be alright. Everything will be alright, Mr. Stalker Prince. I will never leave your side." She told me with her ever-so-gentle smile at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha noong araw na iyon. She pulled me into a hug at umiyak lang ako ng umiyak sa piling niya. She was everything to me- my bestfriend, buddy, and eventually, my lover.
Now, looking back, hindi ko mapigilang maluha at mapangiti at the same time, habang inaalala ang mukha ng Highschool student na Kanon na nakangisi sa akin at nililingon ako habang tinatahak namin ang daan sa loob ng campus ng St. Valentine Academy. I regret not being there for her noong naaksidente siya years ago. I regret not being there for her when she needed me the most.
"Mahal... na mahal... na mahal... na mahal kita Prince Tantoco... " she whispered against my lips the first time we made love. She had tears at the outer corners of her eyes as she whispered those words, and I felt a certain pang in my heart. I wanted to wait until the time I could marry her but she insisted. We both wanted to create wonderful memories bago ako umalis, parehong takot na magkahiwalay. Kahit na gusto kong magpaiwan ay hindi ko nagawa dahil alam kong kailangan ako ni Dad dahil nagkaproblema ang negosyo niya sa States. His doctors said na masama sa kanya ang sobrang mapagod sa trabaho, at ako lang ang maaasahan niyang tumulong sa kanya. I have an older sister, pero wala siyang hilig sa negosyo.
She traced my jaw... my lips... and every corners and edges of my face with her fingers- ang babaeng sobra pa sa pagmamahal ang nadarama ko.
"Mahal... na mahal... na mahal... na mahal din kita Kayla Leonor Dimagiba..." I whispered back as I kissed her fingers that were caressing my face, at hindi ko na napigilang mapaluha. Para akong tangang nakangiti at lumuluha at the same time habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng babaeng mahal ko ng tagus-tagusan- ang babaeng ibinigay sa akin ang lahat-lahat kahit na hindi ko hiningi. Iyon ang naging huling gabi naming magkasama bago ako umalis, at kahit ilang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa akin ang magandang alaalang iyon- ang alaala kasama ang pinakamamahal ko.
"Do I know you? Matagal na ba tayong magkakilala?" tanong niyang ikinabigla ko. Namungay ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako at naghihintay sa isasagot ko.
"What do you mean Princess? Uhmmm... wait bilangin ko kung ilang months na since the first se-" I replied but she cut me off.
"Hindi, hindi iyon! I mean, even before nagkabanggaan tayo, magkakilala na ba tayo?" she asked and I saw the agony on her face. Napalunok ako and I was on the verge of telling her the truth.
"Hindi. Hindi tayo magkakilala. Baka pakiramdam mo lang iyan Princess. Siguro, may kakilala ka lang na kamukha ko." I lied kahit na parang binibiyak ang puso ko dahil sa pagsisinungaling ko. Gusto kong maalala niya ako but not until she tells me that she's fallen in love with me. Ayaw kong mahalin niya lang ako dahil sa nakalipas. Gusto kong marinig mula sa mga labi niyang mahal niya ako bago bumalik ang mga alaala niya. Kahit gaano pa katagal iyon ay maghihintay ako. I'll make her fall for me over and over again kahit na ilang beses pa niya akong makalimutan.
Nakita ko ang kabiguan sa mukha niya sa sinabi ko, her shoulders drooping.
"Ganoon ba? Akala ko lang siguro..." tugon niya sabay nag-iwas ng tingin.
Sorry Princess pero hindi pa ito ang tamang panahon. I murmured to myself, my heart bleeding for the woman I love.
>>end of chapter.
Short update sorry. May pinagdadaanan lang.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.