Chapter 6

1.7K 19 6
                                    

Princess

Nagising na lang ako kinabukasan sa malakas na katok sa pintuan ko. Bahagya kong idinilat ang aking isang mata para tignan ang aking pinto. 

“Kanon! Buksan mo ang pinto! Bumangon ka na at baka ka malate!” Narinig kong tawag ni mama sa kabila ng aking pinto. Naghikab ako at dahan-dahang umupo sa aking kama. Sobrang sakit ng ulo ko at ang hapdi rin ng aking mga mata. Marahil ay dahil ito sa pag-iyak ko kagabi. Hindi ko na alam kung ilang oras akong humagulgol kagabi. Basta ang naaalala ko lang ay nakatulog na lang ako ng dahil sa pag-iyak.

“Opo, Ma! Eto na po babangon na…” Sagot ko pabalik habang nakahawak sa ulo kong ubod ng sakit. 

“Sige, bilisan mo at maligo ka na. Nakahanda na ang almusal.” dagdag pa ni mama bago ako tuluyang nilubayan. Nag-unat ako ng aking mga braso’t binti bago tuluyang tumulak papuntang banyo. Habang naliligo ay inalala ko lahat ng nangyari kahapon, lahat ng nasabi ni Kana, at lahat ng nasabi ko kay Kana. Napabuntong-hininga ako habang nagshoshower at lumaylay ang aking mga balikat nang naalalang may girlfriend na si Kana. Para tuloy gusto kong makipag-inuman kahit na hindi naman ako umiinom para lang makalimot.

Habang kumakain ay tingin ng tingin sa akin si Kuya Shino na para bang sinusuri ang ekspresyon ko habang sumisimsim siya sa tasa niya ng kape. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin ay bigla siyang nagiiwas ng tingin at nagkukunwaring nagbabasa ng diyaryo. Hinayaan ko na lang at hindi na lang kumibo dahil wala pa ako sa mood na ikwento ang nangyari.

“Himala, hindi sumabay sa atin ngayon si Kana. Nag-away na naman ba kayo ni Kana, anak?” biglaang tanong sa akin ni papa habang kumakain kami at napatingin ako sa kanya at tumigil sa pagkagat ng hotdog sa aking tinidor.

“Po? Hindi po… Baka tulog pa kaya hindi nambubulahaw ngayon dito.” pagsisinungaling ko at tumango si Papa habang si Kuya naman ay ayan na naman ang mapanuring paninitig sa akin. Halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kong magbreakfast ay umalis na kaagad ako ng bahay at pilit na iniwasan si Kana. Hangga’t maaari ay ayaw ko muna siyang makita. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang dibdib ko at ang makita siya, sila, ay hindi ko pa kakayanin.

Habang malungkot at wala sa sarili akong naglalakad sa hallway ng isa sa mga buildings sa aming unibersidad ay nakuha ng isang poster na nakadikit sa may bulletin board ang atensyon ko.

MUSIKAT…

Iyan ang nakasulat sa malaking mga letra, at may nakasulat pa tungkol sa audition. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni froglet Prince. Naalala kong inimbitahan niya nga pala akong mag-audition sa org nila. Mabilis kong hinalungkat ang bag ko, at hinanap ang pamphlet na binigay ni froglet prince pero bago ko pa iyon makita ay ang regalo ko kay Kana ang bumungad sa akin.

Haayyy… Hindi ko na nga pala ito naibigay kay Kana. Hmpp… Di bale na nga. Mukhang hindi niya naman ito kakailanganin tutal may Sarah na siya. mapait kong bulong sa aking sarili at sabay isinantabi sa bag ko ang nakagift wrap ko pang regalo. Nang sa wakas, ay nahanap ko ang pamphlet, agad ko itong hinugot mula sa loob ng aking bag at tinignan.

Binasa ko ang nakalagay sa loob at pati na rin ang list ng officers ng org nila na nakasulat doon.

“Akalain mong president pala ng org na ‘to ang echoserong froglet prince na iyon?” parang tanga kong kinakausap ang sarili ko. Sa tabi ng bawat pangalan ng officers ay may picture pa nila ang nakaprint doon. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat larawan at nagtagal ang aking paningin sa larawan ng stalker na si froglet prince.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon