Chapter 3

1.8K 19 0
                                    

Nahulog

Maaga akong gumising at naghanda para sa araw na ito. Nagluto pa kasi ako ng carbonara, at siniguradong maayos na ang cake na binake ko. Binalot ko rin sa gift wrap ang beanie na ginawa ko para kay Kana at drinawingan ko pa ang balot ng caricature niya. Hindi ko na napansin kung maaga ba siyang nakauwi sa kanila kagabi dahil maaga akong natulog. Tulog pa siguro ang mokong na iyon dahil tanghali pa ang unang klase niya para sa araw na ito. Habang ako naman ay 7 am ang start hanggang 3 pm ang klase kaya may isang oras pa ako para magprepara mamaya sa may bonical garden. Nagorder pa nga ako ng balloons para mamaya, at pinalagyan ko ng “Happy Best Friendship Day!” Buti na lang at malapit lang sa school ang inorderan ko kaya hindi ako magagahol kapag pinick-up ko ang mga iyon mamaya.

Matapos kong masiguradong ayos na ang lahat ng bibitbitin ko at naisilid ko na sa aking bag ang regalo ko kay Kana, ay nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako sa school. Madaling araw pa kasi umalis si Papa para magtrabaho sa office.

“Alis na po ako!” paalam ko bitbit ang dalawang malaking paper bag na may lamang cake, carbonara, mga kubyertos, plato, linen at may scented candle pang-centerpiece pa akong dala, habang nakasukbit naman ang aking bag sa aking balikat.

“Okay, ingat sila sa ‘yo anak. Pasensya ka na kung hindi ka maihahatid ng Kuya mo at naghihilik pa ata ang isang iyon.” pabirong saad ni mama at natawa ako.

“Ayos lang, Ma. Kaya ko na naman mag-isa. Big girl na kaya ako? Hehe. Sige po.” nakangisi kong tugon at kumaway sa kanya bago tuluyang lumabas ng aming gate.

Pagkarating sa University ay dumiretso muna ako ng canteen para ipaiwan ang mga dala ko kay Aling Bebang na siyang kaclose kong kusinera sa Kantina ng Unibersidad. Kapitbahay kasi namin siya dati at kumare rin siya ng mama ko. 

“Hi, Ate Mayet! Nandyan po ba si Aling Bebang?” bati ko sa kahera ng canteen, na busy sa pag-aayos ng kaha niya, pagkadating ko. Lumingon siya sa akin mula sa kanyang kaha pagkarinig niya sa akin at ngumiti.

“Uy, ikaw pala yan Kanon. Puntahan mo na lang sa likod, nagluluto. Ang aga mo yata ngayon?” mainit na tugon ni Ate Mayet sabay tinuro ang bandang kusina kung nasaan si Aling Bebang.

“Hehe. Oho nga po e. Maaga rin po kasi ang klase ko tapos hahanapin ko pa po ang classroom para sa first subject ko ngayon. Makikiiwan lang po sana nitong dala ko sa kusina.” maligalig kong saad sabay napakamot sa likod ng aking ulo at turo sa mga dala kong paperbags. Ngayon pa lang kasi ang first meeting namin para sa subject kong Organic Chemistry I, lecture, kaya hahanapin ko pa kung saang classroom ako.

“Ganoon ba. O, sige puntahan mo na lang doon si Aling Bebang, at mukhang nagmamadali ka. Baka malate ka pa sa klase mo.”

“Salamat po, Ate!” masaya kong tugon at kumaway bago nagtungo sa kusina kung nasaan nagluluto si Aling Bebang.

“Aling Bebang!” panggulat kong pambungad sa kusina at napatalon sa gulat si Aling Bebang. Muntikan niya pang mabitawan ang sandok at takip ng kalderong hawak niya. 

“Sus Maria kang bata ka! Aatakihin ako sa iyo… Bigla ka na lang sumusulpot. Ano bang nakain mong bata ka at napaka-hyper mo ngayong araw?” ninerbyos na bulalas ni Aling Bebang habang nakahawak sa kanyang dibdib sa gulat. Nagpeace sign na lang ako, napayuko at ngumisi.

“Sorry po. Nasobrahan lang sa kape kaninang umaga. hihi. Paiwan muna nitong mga dala ko Aling Bebang, ha? Tapos makikilagay lang din sa ref nitong cake. Balikan ko na lang po mamayang mga alas-tres pagkatapos ng class ko. Salamat.” 

“O siya, sige. Iwan mo na lang diyan at ako na ang maglalagay niyan sa ref. Lakad na at alam kong may klase ka pa. Para na naman siguro iyan doon kay pogi ano?” ngiti ni Aling Bebang habang nakapamaywang at may hawak na sandok at biglang uminit ang pisngi ko. Napakagat labi ako atsaka tumango.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon