Chapter 39

524 8 0
                                    

TBR 39

Shino x Diana

SHINO POV

Akala ko sa pagdaan ng mga araw... ng taon, ay lilipas din itong nadarama ko-- itong pag-ibig ko para sa kauna-unahan at natatanging minahal ko ng sobra. Pero nagkamali ako.

I dated... I tried... Pinilit makalimot at makausad mula sa babaeng binitawan ko at nasaktan dahil naduwag ako-- naduwag na baka masira ko ang magandang kinabukasang naghihintay sa kanya.

But now... As I look back... I realized na mali ako. Letting her go was the biggest mistake I had ever committed.

I broke her heart... And that broke my heart too...

At hanggang ngayon ay pilit ko pa ring pinupulot ang mga wasak na piraso ng puso ko. Ngunit, mukhang siya lang ang kayang makapagbuo nito.

Senpai...

St. Valentine Academy

Year 2009

"Uhmmm. So, Shino, as I was saying, this coming Saturday pwede ka ba? Saglit lang naman tayo e. Please? Be my date pretty please?" pa-cute na pagpilit sa akin ng isa sa mga popular na cheerleader ng aming paaralan. Karen ata ang pangalan niya, hindi ko sigurado. Wala naman kasi akong pakialam sa mga babaeng nagpapapansin palagi sa akin.

Kasi... Isang babae lang ang laging nakakaagaw ng atensyon ko.

Imbis na sumagot ay hindi ko pinansin ang babae, at nanatili lang na nakahalukipkip at nakasandal sa may pader habang pinapanood ang babaeng maton na masayang nakikipag-bunong braso na naman sa mga miyembro ng rugby team. Ang aking isang paa ay nakalapat sa dingding na aking sinasandalan.

"Lang hiya! Natalo na naman ako ni Dianang Amazona! Pambihira! Ubos na naman ang allowance ko nento. Sigurado bang babae yang si Tantoco? Kung hindi lang makurba ang katawan niyan, mapagkakamalang lalaki yan e!" reklamo noong isang paalis na rugby team member na kakatapos lang matalo ni Senpai sa bunong braso.

Hindi ko mapigilang mapahagikgik ng palihim at mapailing habang pinapakinggan ang usapan noong mga natalong miyembro.

"Nga, pre! Napapaisip nga rin ako kung babae bang tunay 'yang si Tantoco. Kaya lahat ng nagtatangkang manligaw diyan nagbaback out agad e. Siguro binubugbog niya!" pag-sang-ayon naman noong kasamahan noong lalaki. Hindi ko na tuloy maitago ang halakhak ko dahil sa mga komento ng mga lalaking iyon.

Ni hindi ko namalayang napapangiwi na pala si Karen sa aking gilid dahil para akong sirang tumatawa mag-isa.

"A-anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko Shino?" takang tanong ni Karen na siyang nakapagpabalik sa aking huwisyo. Nilingon ko siya, natatawa pa rin, at nakaawang ang bibig na napa-'huh?'. Halata ang inis sa mukha ni Karen at maging sa mga mukha ng mga kasama niyang cheerleader na ngayon ko lang napansin sa may likuran niya.

"May sinabi ka ba? Sorry, hindi ikaw ang tinatawanan ko. Ano nga ulit iyong tanong mo?"

"Ang sabi ko... Pwede bang pumayag ka ng maging date ko this coming Saturday. Hanggang 5 pm-- Shino!" sagot niya na hindi niya naituloy dahil biglaan ko na lang silang iniwan doon. Nakita ko kasing tapos ng makipagbunong braso si Senpai kaya nilapitan ko na.

Dinig na dinig ko ang galit na pagpadyak ni Karen sa lupa at ang iilang mura niya dahil sa pag-iwan ko sa kanila ng mga kaibigan niya doon. Wala naman akong pakialam kasi maraming babae na rin akong na-ditch.

I used to date a lot of girls before, but ever since I met the girl named Princess Diana Tantoco, sa birthday party ni Kana, nagbago ang lahat sa akin.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon