TBR 23
Bawasan natin ng kaunti ang wholesomeness... Let's make it a bit intimate. Pasintabi. Break muna sa drama at masyadong madrama ang buhay ko ngayon. Just want to lighten my mood at baka maloka ako. :p
The Faceless Man of my Dreams
Umuulan...
Iyan ang lagi kong panaginip kasama ang isang lalaking hindi ko makita ang mukha. Nagsasayaw at masayang nagtatampisaw sa ulan kasama ang taong tanging mga ngiti lang ang naaaninag ko.
"Ang sayang maligo sa ulan 'no?" masaya kong tanong sa lalaki habang magkahawak kamay kaming nakahiga sa maberdeng damuhan na hindi ko matukoy kung saan. Basang-basa kami matapos magpaulan, at amoy na amoy ko ang mabangong simoy ng hangin. Lumingon siya sa akin at heto na naman ang mga ngiti niyang kay sarap pagmasdan.
"Oo lalo na't kasama kita...." Sabi niya sabay inilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa aking labi.
"Princess..." dinig kong dugtong niya bago ako tuluyang nagising.
"Miss sungit, ayos ka lang ba?" bungad ni Prince sa akin nang napabalikwas ako mula sa pagkakaidlip. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang binabantayan siya kagabi dito sa silya sa tabi ng kama. Kinapa ko muna ang gilid ng aking bibig para tignan kung may panis na laway ba ako bago siya pinasadahan ng tingin. Mukhang nakaligo na ang palaka at nakapagpalit. And I must say, ang gwapo-gwapo niya ngayong umaga. Well, always naman. Parang hindi man lang nanggaling sa sakit. Kainis, lalo tuloy akong naiinlove. Hihi.
"Huy, natulala ka na diyan! Alam kong gwapung-gwapo ka sa akin Princess ko pero hindi mo naman ako kailangang titigan ng ganyan dahil you can have me anytime and anywhere you want." Natatawa niyang biro sabay kindat at mabilis na halik sa aking labi kaya hinambalos ko na ng unan. Tawa pa rin siya ng tawa habang sinasalag ng braso niya ang panghahambalos ko.
"Ikaw— Namumuro ka na sa kakahalik mo ha! Hindi ka pa nga nagsisimulang manligaw, halik ka na ng halik!" nagbublush kong sikmat habang patuloy sa paghampas sa kanya ng unan. Para na kaming nagwrewrestling sa kama ngayon at napatili ako nang bigla niya akong hinila at pumaibabaw sa akin.
"Huli ka... I love you..." he whispered habang nakatingin sa aking mga labi at halos malagutan ako ng hininga sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Para bang sasabog na ito lalo na nang hinalikan niya na naman ako. This time, his kisses were different— mas mapusok ang mga halik niya ngayon, nibbling and licking my lower lip. He coaxed my mouth to open, twining his tongue with mine, awakening an oh-so-familiar feeling from deep within me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nadala ako sa mga halik niya. This is supposed to be my first torrid kiss, right? Pero bakit parang hindi na bago sa akin ito?
"What was that?" I asked in a whisper, panting, after we parted for air— everything felt surreal. Pareho kaming hingal na hingal, ang kanyang noo ay nakatuon sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang mga labi and they looked swollen dahil sa palitan namin ng mga halik. Ngumiti lang siya, pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"Sorry, Princess... Hindi ko na napigilan." Bulong niya sa tainga ko atsaka ibinaon ang kanyang mukha sa kama, sa may bandang leeg ko, at nakayakap sa akin.
"Okay..." maikli kong sagot, wala sa sarili.
"Galit ka ba?" tanong niya habang niyayakap pa rin ako sa kama.
"H-hindi. Nabigla lang." I mumbled sabay napahawak sa aking mga labi. To be honest, I liked his kisses— I like everything he does. Kapag kasama ko siya, parang kulang ang sandali, bitin lagi.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.