Chapter 48

407 6 0
                                    

TBR 48


Chapter 48 - Eureka PART 1

Kailangan hatiin kasi mahaba masyado...


Third Person POV

Halos alas dos na ng hapon nang lumabas sina Kanon at Prince mula sa kanilang kwarto. Kung hindi pa nagpumilit ang dalaga na bumaba na sila dahil ipagbabake pa niya ang pamilya ng binata ay ayaw pa sanang pumayag ni Prince.


He missed her...

So much...


So much na wala na siyang pakialam kung tawagin man siyang 'clingy'. Nakakawala ng kamachohan man sa paningin ng iba ay wala siyang pake.

Mas mahalaga si Kanon kaysa sa sasabihin ng iba.

He even asked her na magextend pa sila ng one more night dahil supposed to be ay two days and one night lang sila, pero hindi pumayag si Kanon dahil tinext na rin siya ng Kuya Shino niya.

Kinukulit na raw ito ng parents niya na pauwiin na siya kaya kahit gusto pang makasama rin ng dalaga ang binata ay kailangan niyang sundin ang bilin ng kanyang kuya.


Gagamitin niya na rin ang pagkakataong ito...


Para...


Sa wakas ay maisama si Ate Diana at si Shinji sa pagbalik nila sa Maynila.


Para sa kapatid niyang matagal ng ikinukubli ang pangungulilang nadarama para sa taong lubos na minamahal.


"Darling, doon ka nga muna... Hindi ako makakilos ng ayos sa 'yo e... Alam kong gandang ganda ka sa akin, at sexyng-sexy. At alam kong love na love mo ako, at love na love din naman kita. Pero pwede ba? Mamaya mo na ako panggigilan?" suway ng dalaga sa nobyo habang pilit na kumakalas sa mga bisig nito.

Kanina pa kasi nito kinukulit ang dalaga at walang tigil sa pag-akap sa kanya mula sa likuran. Kinakagat kagat pa nito ang tainga niya at pinauulanan siya ng halik sa leeg, pisngi at balikat.

Nahihirapan tuloy siya sa ginagawa niya sa kusina ng mga Tantoco.

"Palambing lang naman Darling... Mamaya uuwi ka na sa inyo e... Mamimiss na naman kita sa gabi. Sa akin ka na lang kaya umuwi?" he whined while pouting, at nagbebeautiful eyes pa, making Kanon's eyes roll.

Ayaw niya talaga bumitiw sa pagkakayakap sa dalaga at nakahilig pa ang ulo nito sa balikat ng dalaga.

Hindi tuloy mapigil ni Diana ang matawa habang pinapanood ang pagkukulitan ng magkasintahan sa harap niya.

Kanina niya pa magiliw na pinagmamasdan ang dalawa sa may counter ng kitchen. Habang ang anak namang si Shinji ay aliw na aliw na tumutulong kay Kanon sa pagbabake kasama si Queenie.


"Whipped much, Bro? Stop being so clingy... Buti pa iwanan mo na yang kapatid ko Kanon... Tutulungan kitang makahanap ng mas gwapo pa diyan sa pekeng prinsipe na yan. Yung hindi malambot." Pang-aasar ni Diana kay Prince habang tumatawa, and Prince glared at her.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon